Chapter 2: Si Pepita

140 7 4
                                    

Chapter 2: Si Pepita

“Hindi eh. Nakikinig kasi ako kay Ma’am kaya hindi ko na kinailangan magpaturo. Sa susunod makinig ka.” Pang-ilang kaklase ko na ba ang nasabihan ko nito? Hindi ko na mabilang.  Ang dali-dali lang naman kasi ng topic namin tapos papaturo pa sya? “Tingnan mo ‘tong si Piper, kahit hindi katalinuhan nasasagot nya yung assignment kasi nakikinig sya.”

Umalis yung kaklase, napahiya ko ata. Pero tama lang naman ‘yon, dahil tatamarin lang silang mag-aral kung puro asa ang gagawin nila. Ano sila, sinuswerte? Napatingin naman ako kay Pepita sa tabi ko. Nakabukas ang bibig nya. Amazed na naman ‘to sa kagwapuhan ko.

“Mukha kang ewan.” Sabi ko sa kanya. Nginitian nya lang ako at umiling. “Sabay tayong umuwi?”

“Hindi na, dadaan pa ako sa computer shop mamaya. Sira pa kasi ‘yung computer sa bahay eh.” Sagot nya habang umiiling. Tss.

“Sabihin mo, hindi mo talaga pinapagawa kasi kila Franz ka nagrerent. Tss. Style mo bulok.” Hindi ko alam pero naiinis talaga ako. Marami namang computer shop na malapit sa kanila pero talagang dun pa sya kila Franz Gonzales nagrerent. Sasagot pa ata sana sya kaso dumating na si Ma’am.

Bumalik na kami sa pwesto namin. Sa pinakaharap nakaupo si Pepita, ako naman sa likuran nya. Pinapanood ko sya habang nagdidiscuss si Ma’am. Ang galing talaga nitong babaeng ito, pang-best actress. Hindi naman talaga sya nakikinig pero yung mukha nya, mapapaniwala ka talaga.

Pagtapos ng klase, umalis na sya kaagad. Hindi man lang nagpaalam sa akin, kainis. Napaisip ako hindi nga rin pala ako makakasabay sa kanya sa pag-uwi dahil may tinatapos pa akong article para sa school paper.

Habang naglalakad papunta sa opisina ng school paper namin, sumagi na naman sa isip ko sina Pepita at Franz. Grrr. Nakakapang-init ng dugo. Maisip ko pa lang na magkasama sila, naiirita na ako. Ano bang nakita ni Pepita sa payatot na yun? Puro ilong lang naman, palibhasa’y pinagmamalaki nya yung sobrang tangos na ilong nya. Abot sa Mt. Everest. Bwisit.

Naabutan kong mag-isa si Sir Suarez sa office. Nakaharap sya sa computer nya at nagrereflect sa salamin nya na nagfe-Facebook sya. Kunwari busy, masabi lang na may ginagawa. “Sir, tatapusin ko po yung article ko.” Paalam ko kay Sir.

Tumango lang sya nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng computer. Naupo ako sa isa sa mga computer doon at sinaksak ang flashdrive ko. Dalawang paragraphs na lang ang kulang sa article ko at pwede nang ipasa ‘to sa EIC namin. Sisipagan ko pa dahil aim ko ang maging EIC rin pagdating ko ng senior year.

Pinalutok ko ang mga daliri ko at nag-stretch nang matapos ko ang article. Sinave ko ‘yung file at nagpaalam na kay Sir Suarez na uuwi na ako. Naglakad ako palabas ng school. Dadaan ako sa computer shop ni Tangos, titingnan ko kung andun si Pepita. Nung medyo malapit na ako, nakita kong magkausap sina Pepita at Franz. Ah, so close na silang dalawa?

“Piper, wait. Sabay na ko sayo, may pupuntahan din pala ako dyan sa kabilang kanto.” Narinig kong sabi ni Tangos kay Pepita. Nakita kong pumula ang pisngi ni Pepita. May kung anong nagtulak sa akin para guluhin ang dalawa.

“Pepita!” Tawag ko sa kanya. Sabay silang tumingin ni Tangos sa akin. Mukhang nagulat si Pepita sa biglang entrance ko. Si Tangos hindi ko makita ang mukha nya dahil natatabunan ng ilong nya. O wala lang talaga akong pakialam sa kanya.

Nilapitan ako ni Pepita na medyo naiinis ang hitsura. “Anong ginagawa mo dito?” Gigil nyang tanong.

“Huy grabe ka. Napadaan lang naman ako, tapos nakita kita.” Tumingin ako kay Tangos na nakatingin naman sa aming pareho. “Ano, uuwi ka na ba? O may date pa kayo ni Franz?” Nginuso ko si Tangos.

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon