Chapter 9: Posas
“Pedro, saan ka pupunta? Dito papuntang school!” Sabi ko sabay turo sa kabilang direksyon.
“Ayaw kong pumasok.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Tinatamad ako. Tara gala na lang tayo.” Nagtuloy-tuloy siya ng lakad papunta sa terminal ng jeep. “Sasama ka?”
“Hindi, bakit?” Humarap siya sa akin at nagtaas-baba ang kilay niya.
“Hindi raw, bakit nakasunod ka?” Napahinto ako at tinignan siya nang masama. “Sasama na ‘yan oh.” Napakagat labi ako. “Sige na, pumasok ka na. Pagtinanong ni Ma’am kung na saan ako sabihin mo masama ang pakiramdam.” Tuluyan na siyang sumakay sa jeep.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at sumakay rin ako ng jeep. Tinignan ko kagad nang masama si Pedro. Nagkataon kasi na magkatapat kami. Nginingisian niya lang ako. Ang lakas talaga makahatak nitong taong ‘to. Nakakainis. Nagmemake-face siya habang nasa byahe kami. Hindi ko maiwasan na hindi matawa. Bihira maging gan’yan si Pedro, as in bilang ata sa daliri ng kamay ko ang iilang beses na guman’yan siya. Bumaba kami sa park malapit sa dati kong school.
“Ano’ng gagawin natin dito?” Tanong ko sa kanya. Nagbikit balikat lang siya at tumungo na sa isang swing. Sumunod lang ako sa kanya at umupo sa katabing swing. “Ano naman dahilan mo kung bakit ka tinamad na pumasok?”
“Eh ikaw bakit ka sumama?” Nakangising tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin kasi alam eh. “Hindi ka ba hahanapin ni Franz?”
“Hindi naman siguro. Magtetext na lang ako na hindi ako makakapasok.” Kinuha ko na ang cellpone ko at nagtext na. “Pedro, ang aga-aga pa saan mo ba balak gumala?”
“Ewan? Maglaro na muna tayo rito tapos pagbukas na ‘yung mall saka tayo maggala do’n.” Nagsimula na siyang magswing.
“Laro? Eh puro pambata lang naman ang nandito.” Mabilis na hininto niya ‘yung swing at tinignan ako. “Bakit?”
“Walang pinipiling edad ang swing. Kahit 110 years old ka na, pwede ka pa ring mag swing. Tss. Nagkaroon ka lang nang manliligaw nag-iba na ang pananaw mo sa buhay.” Tumayo siya at umakyat sa katabing slide. “Oh ito? Masasabi mo bang pambata ito?” Tumango ako.
“Oo, paano ba naman, pagnilapat mo ‘yang katawan mo d’yan sa slide, saktong sakto ang katawan mo. Lapad at taas.” Hinatak ko siya pababa. “Hindi ka na pwede d’yan, masyado kang matangkad.” Pagbaba niya pinat niya ‘yung ulo ko.
“Palibhasa kinulang ka sa height eh.” Natatawa niyang sabi. Tss. Kahit kalian talaga ito. Issue na naman ang height ko. Kasalanan ko bang hindi ako five footer? Tss. “’To naman, hindi na mabiro.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papuntang seesaw. “Oh dito tayo, para pareho tayong makakapaglaro.” Inalalayan niya akong makaupo sa isang side saka siya nagpunta sa kabilang side. “Marunong ka ba nito?” Tinignan ko siya nang masama.
“Ano’ng akala mo sa akin? Hindi dumaan sa pagkabata?”
“Ay matanda ka na ba? Akala ko bata ka pa, ang liit mo kasi eh.” Mariing pinagdikit ko ang mga labi ko sa inis.
“Sige, asarin mo pa ako. Pinagpala ka lang ng konti sa height akala mo na kung sino kang matangkad. Tss.” Nagpalitan kami ng akyat baba.
“Hindi sobra ang binigay sa akin, sakto lang. Kinulang ka lang talaga.” Hindi na ako sumagot at sumimangot na lang. Hindi naman ako mananalo sa kanya eh. “Sabi nila ang love daw parang seesaw, hindi gagalaw kung wala ang isa. Para bang, walang mangyayari sa iyo kung mag-isa ka lang.” Huminto siya sa baba at tiningala ako. “Kaya ikaw, huwag kang papayag na ikaw lang ang kikilos sa relasyon niyo ni Franz, pangit ‘yun. Hayaan mo siyang mas mahal ka niya kaysa mas mahal mo siya.”
BINABASA MO ANG
Skinny Love
Teen FictionSkinny love (n.) When two people love each other but are too shy to admit it, but show it anyway.