"Teh, magkano ba magpakulam?"
"Sa GenSan? Alam ko 2,800."
Agad akong napalingon kay baklang Kolette. I stared at her as if she was the greatest unsolved mystery on Earth, "ang mahal?!"
"Labubu gamit, eh," she answered with a yawn and I initially scowled at her, "plus mahigit one thousand ang talent fee ng mangkukulam, oy. Mahirap kayang mangkulam, siraulo ka?"
Wala na talaga akong makuhang matinong sagot sa kanya! Batukan ko nga!
"Aray!" Ang banas kong anas nang gantihan ako ng eabab.
"Who are you going to make kulam ba?" It was Rain, staring at me with the same manner I did to Kolette, "that's for loser, girl."
Umirap ako sa kanya. Wala akong pake! Tumingin na lang ako kay Kai na ngayon ay abalang nanonood sa television na nasa harap namin ngayon.
"Kai, may kilala kang mangkukulam? Sige na, bakla. Sabihin mo sa akin ang address, ako na ang bahala."
She diverted her gaze at me, "bakit imbes na maghanap ka ng mangkukulam, hanapin mo muna 'yung paraan kung paano pagagalingin 'yang puso mong basag?" She pointed at my chest and I winced hard.
Shoot.
Right there.
Ang pinakamatalino sa aming apat ay nalaman agad kung saan ako papunta. Bakit pa kasi ako nagtanong sa kanya?!
Kolette and Rain are both staring at me. Pareho silang mukhang nagtataka sa kung anong tinutukoy ni Kai. Nagpapalipat-lipat sa akin at kay Kai ang kanilang tingin. Pero nang ngumuso si Kai sa TV ay pareho silang napa-"Aba, Fyang!"
"Hindi ka pa rin nakaka-move on, teh?" Si Kolette na nakataas ang kilay. Pinagkrus niya pa ang kanyang mga braso.
"Still bitter, huh?" It was Rain who is shrugging. She is knitting her eye brows at me.
Right now, Jarren's face is flashing on the television. He is being interviewed together with Hope, his loveteam.
"Eh, kasi naman! Nakakairita 'yang Hope na 'yan. Kung makangiti, wagas? Sarap pektusan-"
"Fyang, move on," Kai interrupted me, "be better than being bitter. To love is a risk and you happened to take it. Now that the risk took a toll on you, you have no choice but to just accept it and learn from it."
Lahat kami ay natahimik. Lahat, walang nagsalita. Ang tatlo ay nakatingin lang sa akin. Tila bang naghihintay sa isasagot ko kay Kai.
I sighed...
Then turned my gaze at the television that is currently flashing the smiling face of Jarren. He is holding Hope's hands. He is holding the girl's hand the way how he held mine before.
Move on. Simpleng salita, pero ang hirap-hirap gawin.
May point naman si Kai, eh. Oo, pang-Miss Universe nga ang banat niya. Tagos sa kaluluwa ng eagirl na 'to. Pero... ang hirap kasing gawin. Ang hirap panindigan.
Kasi kahit anong gawin ko, mukha at mukha lang ni Jarren ang rumerehistro sa utak ko kapag sinusubukan ko siyang kalimutan. 'Yung para bang tinatraydor ako ng sarili kong utak. 'Yung kahit na anong pilit kong ipagsiksikan sa utak ko na wala na... na tapos na nga, 'di ko kaya, 'di ko magawa.
Ano ba kasing gayuma ang pinalagok mo sa akin, Jarren? Bakit ang hirap mong kalimutan?
"Mga Ma'am, good afternoon po. Let's go na po sa studio, kayo na po ang susunod na i-interview-hin," it was the staff who broke the silence inside this dressing room where the four of us are situated.
Isang malalim na hininga na naman ang ginawa ko.
"Let's go, girls," Kai mumbled before she stood up. Lahat kami ay sinunod siya. Pero mahina akong napamura pagkalabas namin ng dressing room.
Mula sa dulo ng corridor, I saw him.
I saw Jarren.
He is walking towards our direction. Looking like a model, with that unique fashion statement; the eyeglass that made him look so innocent but also hot at the same time; and the inevitable gravity that no one can ever lure me in but him.
Gusto kong umatras, gusto kong bumalik sa dressing room. But Rain already blocked my way in. She is smiling at me with a knowing prudence.
"Face him," she mumbled, pinanlakihan niya ako ng mga mata, "come on."
"Pakita mo kung sino ang sinaing—este sinayang niya," Kolette added.
"But more than anything else, let him know that you are never affected with what he did to you, bruh. Let him know that you don't need him because news flash, a woman like you can still be completed without a man like him," Kai murmured.
And so, we continued walking towards him.
And the moment be landed his gaze towards our direction, he smiled at my co-actresses... he greeted them... but he avoided my gaze. Hindi niya ako nginitian o kahit tiningnan man lang. Matatanggap ko naman kahit makipag-plastikan na lang siya sa akin pero 'di niya ginawa.
Pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong ipakita na walang epekto sa akin ang ginawa niya. Taas noo akong nilagpasan siya na para bang hindi ako nabaliw sa kanya nitong nakaraang buwan. Na para bang hindi ako nagmakaawa sa kanyang balikan ako nitong nakaraang linggo.
Pinilit kong pilitin ang sarili kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Pero alam kong hindi ko 'yon kaya nang bigla, mapatigil ako mula sa narinig ko mula sa kanya.
"Hey..."
Badtrip. Kusa akong napalingon sa kanya. Kusang gumalaw ang katawan ko bago ko pa ito napigilan.
"Congrats to your new movie with them," nilibot niya ang tingin kina Kai, Kolette at Rain. But right after that, he centered his gaze at me, "Fyang."
He is staring at me with his usual haughty asian eyes. The kind of gaze that always melt me. Isang titig niya lang, tiklop na naman ang babae. Badtrip talaga.
I only nodded at him. And when he faced his back at me, when he started walking away from us, I almost lost my balance. Mabuti na lang at naalalayan agad ako nina Kai.
"Bruh, calm down. Maraming tao dito sa corridor, baka ma-issue ka."
Alam ko naman 'yon, eh. Aware naman ako sa mga chismosa at chismosong nakapaligid. Pero nugagawen? 'Di ko kayang pigilan ang sarili ko. Kusang nag-unahan ang mga luha pababa sa pisngi ko. 'Di ko na mapigilan ang mga ito. Pati na rin ang kumakalat na kirot sa dibdib ko.
I just... can't help it.
But I faced my back at Jarren the moment he is about to turn his head at us again. Nahalata niya yatang marami ang nakatingin sa akin ngayon mula sa direksyon na tinatahak niya. My mouth is forming an upward curve when I jogged my way at the end of the corridor, opposite to him. Iniwan ko sina Kai, Rain at Kollete. I continued jogging my way up until I reached the corner kung saan walang mga tao, kung saan walang makakarinig kung gaano ako kalakas humagulgol.
Damn you, Jarren...
BINABASA MO ANG
The Public Stunt
FanfictionSofia Smith, a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFyang, he has JarHope. F...