“Inom tayo, mga teh?”
“Grabeng bungad naman ‘yan, bakla?!” Kolette reacted initially, “kakalapit lang namin sa ‘yo, talagang ‘yan ang ibubungad mo? ‘Di pwedeng mag-hi muna?!”
“Osige,” tinaasan ko siya ng kilay bago tiningnan pababa, “hi, inom tayo mga teh?”
“'Yan! Perfect! Ganyan dapat! ‘Wag kang bastos, saan ba tayo?!” Pumalakpak si baklang Kolette while Rain is busy playing games on her phone. On the other hand, Kai seemed to be bored.
“Pass muna ako, got some school assignments to accomplish,” Kai announces before she fixed her hair.
Hindi pa rin inaalis ni Rain ang mga mata sa kanyang cell phone, tinaas niya ang kanyang kamay bago sinabing, “me too!”
Pabiro akong umirap, “papangit niyo ka-bonding! Ikaw, baklang Kolette? May ganap ka rin?!”
“Wala nga, teh! Saan ba kasi tayo? Go ako diyan basta libre mo, nanginginig pa!”
Nang magpaalam na sina Kai at Rain sa amin ay dumiretso kami ni Kolette sa pinakamalapit na club doon sa building ng network namin. Kakatapos lang kasi naming mag-practice para sa rehearseal for our dance prod sa ASAP on Sunday. Sakto din naman na walang naka-line up sa schedule namin today kaya perfect time ito para mag-walwal!
“Teh, matanong ko lang. Broken ka ba?” Kolette asked as we are now walking towards the said club, “first time mong mag-aya sa inuman at ikaw pa talaga ang taya? May sakit ka?”
“Ako? Broken?” Lumaki ang butas ng ilong ko, “hindi, ha!”
Bakit naman ako ma-bo-broken? Hindi naman masakit ‘yung nalaman ko na nililigawan na pala ni Jarren si Hope! Wala lang naman ‘yon sa akin. Sus! ‘Di ako naapektuhan n’on kasi big girl na ako—
Kolette cut my thoughts off, “alam ko na. Broken ka kay Jarren? Kasi trending ngayon ‘yung interview niya with Tita Girlie? Na nililigawan na niya si Hope?”
Badtrip talaga...
That caught me off guard, at one moment, wala akong maisagot. Gusto kong magsinungaling. Gusto kong sampalin ang sarili ko para kahit papaano, magkunwari man lang ako na hindi nga… na wala ngang epekto sa akin 'yon. Pero sino bang niloloko ko? Meron. MERON. May epekto sa akin lahat ng nabasa ko kagabi. Kasi deep down, umasa ako, eh. May pa-I’ll make you agree pa siya diyan pero ang bakla, biglang nanligaw ng ibang babae. Ang gulo niya. Ang shunga lang…
“Ang sakit lang kasi, eh…” I mumbled as I sipped my tequila, Kolette is infront of me while the booming system of the club is hitting up, “umasa ako, teh! Akala ko, may meaning ‘yung pag-aya aya niya sa akin. Ilang linggo na kaming naghahang-out doon sa coffee shop ng kaibigan niya, teh! Wala lang naman pala sa kanya 'yon!"
Lumagok ako ng alak bago muling magsalita, "eh, ako si marupok na tangang eabab, umasa nang bongga kaya heto ngayon, nasasaktan din nang bongga! Kakainis, teh!”
She pats my back, she leaned closer to my ears so that I can hear her clearly, “oks lang ‘yan, bakla! Kasalanan mo din naman kasi, bakit kasi dikit ka pa nang dikit doon eh may Hope na nga siyang ka-loveteam. Syempre, ipa-prioritize n’on ‘yung career niya. Saka, teh! Sa ganda ni Hope? Sinong ‘di ma-fo-fall?”
“Aray ha!” My tears are now slowly brimming down my cheeks habang natatawa ako nang mapait, “parang sinabi mo namang mas maganda ‘yon sa akin! Matangkad lang naman ‘yon! Mas maganda kaya ako d'on!”
She pats my back more, “sshh shh teh, acceptance is the key.”
Sa mga ganitong mga sandali, ayoko talagang makasama itong si Kolette! Kasi imbes na i-comfort niya ako, i-ri-realtalk niya lang ako! Pangit ng trip! Mabuti pa kung si Miss Universe Kai na lang ang kasama ko kasi ‘yung isang ‘yon, parang laging nasa Q&A round kung sumagot. Or kahit si Rain na lang! Kahit napakaarte ng tao na ‘yon, magaling din naman siya mag-comfort kahit papaano!
BINABASA MO ANG
The Public Stunt
FanfictionSofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFy...