Episode 7: Little Things

4.9K 201 95
                                    

"Okay, Fyang. Kumalma ka!" I said to myself, pinapaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay mo, "one step at a time. Kailangan, hindi ka easy to get. Kailangan mong magpakipot man lang. Okay?"

Nagsimula akong mag-type sa cell phone ko. It was just fast, faster than the wind-even than the speed of light.

Unknown Number
Are you free tonight?
BTW, this is Jarren.

Fyang
Sure!

"Chariz! Hindi magpapakipot tonight!" I crossed my arms and raised an eyebrow, "Teh! Grasya na ang lumalapit sa eabab, papakipot pa ko?! Hindi na, uy!"

Pasalampak akong sumandal sa upuan at nagpapadyak ng paa! I even covered my mouth para hindi ako marinig nang tumili ako ng malakas!

Jusko ka, Jarren! Bakit nambibigla naman kasi? Siguro, crush mo ako, 'no? Sheeesh! Napahawak ako sa ibabaw ng ulo ko matapos ay umiling-iling habang natatawa sa pinag-iisip ko. Matapos ay kinuha kong muli ang cell phone ko. I saved Jarren's number there. Sakto namang muli siyang nag-text sa akin.

JarrenMyLabsMyHartMySoul
Wanna hang out with me? Let's have coffee at my friend's coffee shop.

Fyang
Sigiii, gow! Tho andito pa rin ako rn sa Araneta. I am waiting for my manager to come to pick me up. I will update you once I get home.

Pero ang bading! 'Di ko kinaya teh nang bigla siyang tumawag sa akin! My gosh, nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko iyon! Nataranta ako! Nag-aala-Jessa Zaragoza na naman ako dito, parang 'di ko yata kaya 'to bakla!

"H-Hello?" I covered my mouth to hide my big smile as if he could see it.

"Sunduan na kita," his tagalog sounded so expensive with his British accent.

Napatayo ako at nagtatalon-talon sa kilig! And then one second after, naupo akong muli at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili, "u-uhm, shige..."

Nakakainis! Napakaarte ng tao na 'to!

"Alright. I will be there in fifteen minutes."

"Fifteen minutes?"

"Yes, I am just nearby."

"Okay..." Napatakip na naman ako sa bibig ko para itago ang malawak kong ngiti. 'Di ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro dahil napaka-arte ko lang.

"Bye, Sofia."

Those are his last words before he off the call. Before he left me here, dumbfounded. I can't believe that this is really happening right now. Totoo ba 'to? O baka naman nagdedelulu lang ako? Pero habang binabasa kong muli ang text messages namin ni Jarren, this is true! This is freaking true!

Nang muli akong tumayo ay nagtatalon na naman ako sa kilig! Soafer OA na ng babae talaga! Pero agad din naman akong nag-aligaga sa pag-aasikaso ng mga gamit ko nang makitang ten minutes na pala ang sinayang ko dito. I quickly grabbed all my things and stormed out of the room to divert my feet towards the parking area.

I waited for about a few minutes there before an Armored Hammer H3 stopped right infront of me. When the windows pulled down, it revealed Jarren and his sharp Asian eyes. He cocked his head, ordering me to hop in his car.

"Hello," I shyly introduced. "Nag-abala ka pa, Jarren. Oks lang naman ako-"

"Alright, baba ka na lang," He cut me off.

"Joke lang, teh! Heto naman, minsan lang mamplastik! Ayaw pa patulan!" What if ako na lang ang patulan mo? Chariz!

He only chuckled like a kid. Umiling pa muna siya habang nakangiti bago nagsimulang imaniobra ang sasakyan papalabas ng parking area. For the whole time, ako iyong chika nang chika sa kanya! Siya naman, puro tango lang ang sagot. Kapag ito tinanong ko kung kami na tapos tumango, aba ayos wala na talagang bawian! Touch move! 3 second rule!

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon