Episode 5: Public Stunt

3.1K 136 58
                                    

“Ano kayang order ng management ‘yung tinutukoy ng managers natin, ‘no?” I asked Luhan. Right now, I am inside his car, and we are about to head towards the building of our network.

“Ewan,” he said nonchalantly, “baka french fries? Tapos may susubuan din sila sa McDo?”

I initially diverted my gaze towards him and scowled, “alam mo, malala ka pa sa traffic sa EDSA. Hindi maka-move on?”

That was the point he laughed and I hit him on his arms, “french fries pa more.”

Tinaasan ko naman siya ng kilay at tiningnan pababa, “Hashtag JarFyang McDo.”

Tumawa lang naman siya nang tumawa na para ba akong isang malaking joke lang sa kanya. That was the moment I just diverted the topic into something else, “pero seryoso nga, bakla. Ano naman kayang ganap ng management? Bakit ang ligalig naman ng mga bakla? As if napakalaking issue naman talaga nung ginawa namin ni Jarren—”

“Loko, malaking issue talaga ‘yon. Alam mo naman kung gaano ka-toxic ang fans ni Hope. Kung ‘di mo pa nababasa sa X, pinuputakti ka na nila ng masasakit na words. Ma-he-hurt na nga sana ako kaso naisip ko,” he glanced at me and immitated my gesture earlier. Tinaasan niya rin ako ng kilay at tiningnan pababa, “deserved!”

Nahampas ko nga sa braso for the nth time!

“Aray naman!” Napapangiwi siyang hinaplos ang braso niya, “pero seryoso nga, Fyang. Below the belt na ‘yung mga tinatapon sa ‘yong bash ng mga fans ni Hope. You must be careful. I am not saying this just because kasama ako sa maaapektuhan sa downfall mo, if ever. I am just saying this as a friend. Sikat ka na, pinag-uusapan na ng marami ang loveteam natin. Plus, malaking budget na ‘yung na-approve sa upcoming movie natin.”

He stared at me for a moment, and I know that the next thing that he is about to mumble is genuine when he said, “puso ay gisingin, utak ay paganahin.”

“Aba ayos!” I laughed, “may rhyme, ha! Sino ka naman diyan, Francisco Balagtas?”

“Alam mo, minsan na nga lang akong maging seryoso sa ‘yo, basag trip ka pa. What if bumalik na lang ako sa PDYN Band ko?”

I only laughed more at him.

Gets ko naman kasi kung anong tinutukoy niya. Aware ako sa kung anong nakasalalay sa isang maling galaw ko lang, sa isang maling desisyon. But I am young. Masaya ako sa happy crush ko. Masaya ang eabab na ‘to sa simpleng atensyon na binibigay sa akin ni Jarren. Pero alam ko naman na hanggang doon lang ako. Dahil kagaya ko, may career din siyang dapat protektahan. At saka teh, as if naman ipagpapalit niya ang umuusbong niyang career para lang sa baklang si Fyang? Tanggap ko naman.

Pero ang sakit lang isipin na parang… bawal maging masaya kapag artista ka.

Hays, from eagirl, sadgirl na tuloy ang babae! Hindi bagay!

***

Mabilis na lumipas ang mga oras. Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa building ng network namin saktong alas-dose ng gabi. Wala nang tao sa building kung hindi ang mga gwardiya at ang ilang mga staff sa News and Public Affairs Department. Nagsimulang dagain ang dibdib ko nang unti-unti kaming makapasok sa Entertainment Department Office. And when we reached the conference room of the office, nandoon si Mama Cece ang Ma’am Antonette na nakataas ang kilay sa akin. Dahil palaban ako, tinaasan ko rin siya ng kilay kahit na ang totoo, malakas ang tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba.

Bubuwagin na ba nila ang loveteam namin ni Luhan? O baka, palitan na nila ako? Baka humanap na lang sila nang kung sinong eagirl sa tabi-tabi?! Kapag nangyari ‘yon, siguro magiging full-time housewife na lang ako ni Jarren—chariz!

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon