Episode 6: Mobile Number

2.9K 133 97
                                    

I was about to say, "hi, Jarren!" when suddenly, someone behind me did it first before me. I blinked and initially looked towards the direction where my back was facing, and there I saw Hope. She is also wearing a red dress. She is smiling at Jarren. Nang mapatingin naman akong muli kay Jarren ay wala na sa akin ang kanyang atensyon.

"Aray?" Ang pang-aalaska ni Luhan sa gilid ko na para bang isang demonyo na binubuyo ako.

"Manahimik ka nga—" natigil ako sa pagsasalita nang mabangga ni Hope ang balikat ko. I blinked a couple of times, and I was waiting for her to apologize but she did not. Pero oks lang, 'di naman niya siguro sinasadya.

"Payag ka n'on, binangga ka? Kung ako 'yan, kanina pa sabog nguso niyan sa 'kin," ang pangbubuyo pang lalo ni Luhan.

"Hindi ka talaga mananahimik? Gusto mong magka-black eye?"

"Sabi ko nga, joke lang!" Natatawa siyang naglakad papalayo sa akin na para bang isang hayop na binugaw.

Nang muli akong mapatingin kina Jarren at Hope ay papalakad na sila papunta sa akin. Jarren only nodded at me while Hope? Anong problema ni bakla? Parang ang atichona niya yata ngayon? 'Di pinansin ang babae! Pero oks lang naman. Baka wala lang siya sa mood. At saka, hello? Hope Zoberano? The daughter of Grace and Liv Zoberano? Okay! She probably won't remember our chitchats last Halloween Party. Sino lang ba ako? Isang eagirl na nagsisimula palang ipakilala ng network habang sila ni Jarren, layag na layag na. Oks lang talaga, malayo naman sa bituka!

Huminga na lang ako ng malalim. Pumikit at ngumiti. Nang magmulat ako ng mga mata ay nagtungo na ako papunta sa dressing room namin ni Luhan. Sa loob ay abala ang eakalal sa paglalaro sa kanyang cell phone.

"Hoy, ganito ang gawin natin mamaya," panimula ko.

"Uhm?" Hindi niya inalis ang tingin sa kanyang cell phone.

"Kapag hinawakan mo ang kamay ko mamaya, kunwari ngingiti ako na parang kinikilig, ha?" Pagpapatuloy ko na para bang isang director, "tapos syempre, magsisigawan ang LuFyang. Doon mo ako hihilahin para yakapin!"

"Osige," 'di niya pa rin talaga inaalis ang tingin sa kanyang cell phone.

"Tapos sa ending ng kanta, ikikiss mo 'yung kamay ko ha?"

"Uh-huh," never niya talaga akong tinapunan ng tingin. Batukan ko nga ng isa! "Aray naman!"

"Nakikinig ka ba sa 'kin?!"

"Oo naman, yes!"

"Osige, ano ngang sinabi ko?"

May ilang segundo na para bang nag-isip pa muna siya. Hanggang sa magsalita na siya na para bang hindi siya sigurado sa kanyang sasabihin, "uhm, kakanta tayo. 'Y-Yon ang sinabi mo."

"Wala ka talagang balak magseryoso!" Pinaghahambalos ko siya!

"What are you doing, Sofia? Why are you beating him up?" Ang biglang sambit ng pumasok sa dressing room namin.

My hand is in mid-air right now, Luhan is covering his face as if he is being abused. And my eyes widened when I met Jarren's eyes.

"A-Ah, huh?" Agad akong lumayo kay Luhan, "w-wala 'to! Naglalaro lang kami ng sampal-sampalan!" Tinuro ko si Luhan na ngayon ay napapangiwi sa sakit, "siya taya!"

"You are so violent," he mumbled while staring at me as if I am a freaking criminal. Pumasok pa siya sa loob at sinarado ang pinto, dito ko lang napansin na may dala pala siyang coffee. Ang isa ay inabot niya kay Luhan at ang isa naman ay sa akin.

"Here, I brought you coffee," he added.

At ang eagirl, talagang hindi napigilan ang ngumiti nang pagkakatamis! Pinipigilan ko talaga ito pero nanalo ang nguso ko, teh! Napahampas tuloy ako sa hangin, "huoy! Nag-abala ka pa, Jarren! Nukaba! Sana may kasamang bread naman next time--chariz!"

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon