Episode 19: Friends in Public, Lovers in Private

3.3K 140 39
                                    

I like Jarren, and it's a fact that I can never deny. The first time I saw him introduced to a TV Show, I was already attracted to him. It's an inevitable feeling. Na kahit noong hindi pa ako artista, kapag nakikita ko siya sa TV ay napapangiti talaga ako nang malawak. He has this charm on him, it's a dead end once it targeted you.

And that was my main reason why I agreed to let Jarren continue courting me.

In short, we became friends in public and lovers in private.

That early morning, I told Jarren that we are the ones who need to adjust with our situation. Not others. Kasi totoo naman. Wala siyang magagawa sa lahat ng kasamaan na maiisip ni Hope. He can never stop her because it will also cost him his career-that will have a domino effect on mine. Kaya napagkasunduan na lang namin na itago na lang muna. Kahit na kaninong kaibigan namin, even family members, hindi namin ito pwedeng maipag-sabi.

This is the safest idea that we have right now, and if it's the only thing that will keep Jarren on my heart-I will gladly do that... for him, for us.

Jarren is sitting at the kitchen island just in front of me. Kanina niya pa ako pinapanood. Kanina pa rin siya ngingiti-ngiti! Nakakainis na 'tong tao na 'to! Alam nang marupok ang babae, ngiti pa nang ngiti! What if i-kiss kita sa lips? Chariz!

"Gandang-ganda ka talaga sa 'kin, 'no?" Hindi ko mapigilan ang malawak kong ngiti habang binubuhusan ng condensed milk ang ginagawa kong mango float.

Patuloy pa rin siyang nakangiti habang nakatingin pa rin sa mukha ko.

"Ano ba?!" That sounded more of enebe, "Jarren, tumigil ka na!" Ngumiti na naman ako nang malawak. Hindi ko na talaga ito mapigilan pa! "ang ganda ko na talaga!"

He rests his jaw on his chin, then he smiled boyishly while running his thumb on his lower lip. Mukhang maski siya, hindi niya rin mapigilan ang kanyang ngiti, "yes, Ma'am. You are so gorgeous that I can't stop to fancy you."

Nanlaki ang mga mata ko at napatalikod sa kanya. Matapos ay pinatong ko ang mga kamay ko sa itaas ng ulo ko. Ngumiti ako nang malawak at pinigilan ang mapatalon sa kilig!

Nakakainis! Tama ka na, Jarren. Please lang! Kung ayaw mong nakawin ko 'yang apilyido mo! Tumigil ka na, teh!

Nang muli akong humarap sa kanya ay pinigilan ko ang ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay at muling binalik ang atensyon sa ginagawa kong mango float.

"Sobrang ganda ng girlfriend ko," ang sambit na naman niya kaya't hindi ko na talaga napigilan ang ngiti ko! Gusto ko siyang hampasin gamit ang sandok na hawak ko!

"H-Hoy!" I am smiling wide while trying to raise a brow at him again, "hindi pa kita sinasagot. 'Wag kang feeling!"

"We are on our way there, babe," he bantered back and the way how he said that last word is so raspy that it echoed on my defenseless mind.

Bakla naman!

Maawa't mahabag naman sa marupok na tao na 'to!

Inirapan ko na lang siya habang napapangiti nang malawak. Siya naman ay patuloy lang sa pagtingin sa mukha ko habang nakangiti. Ilang minutong pagtitiis ng kilig ang lumipas bago ako natapos sa ginagawa kong mango float. Nilagay ko ito sa refrigerator, marami akong ginawa kaya Jarren had to help me with them. The reason why I did this is because I will give this as a gift sa mga staff, magsisimula na kasi next week ang shoot namin ni Luhan for our upcoming TV Series next year.

"Tara, let's date," Jarren suddenly said.

I looked at him, "saan naman? Baka may makakita sa atin. Bakla ka ng taon, baka ma-issue na naman tayo!"

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon