Episode 32: Jarren's Secret

720 44 4
                                    

"Did you guys fuck already?" The girl asked and I am just so confused to feel disrespected. In the end, I found myself shaking my head no.

"Great!" Pumalakpak siya, ngumiti siya pero ramdam ko na sarcastic iyon, "Jarren able to hold his inevitable sex drive?" Then she shrugged before rolling her eyes, "well, don't see yourself as the most special girl on Earth. He probably has something up his sleeves and you gotta just wait for it. It's either you are wiser enough to escape now or weak enough to stay and wait for him to just ruin you."

Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat, "Jarren is dangerous. A friendly reminder, from someone who have seen how worst a guy he is, ESCAPE. Girl, ESCAPE."

That was all she said before she finally walked outside this comfort room. Leave me here alone, hanging, curious, and drowned to the sea of questions.

'Di ko na namalayan na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga. I hold my chest and tried to calm myself down. Napahawak pa akong muli sa tiles ng sink at tiningnan ang sarili sa salamin.

Naguguluhan na ako. Mula sa chinika sa akin ni Quentin sa dance floor kanina up to this some random girl who suddenly revealed everything to me... hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan. Hindi ko masiguro kung kanino ako dapat magtiwala.

Isang marahas na paghinga ang ginawa ko bago ko hinilamusan ang mukha mula sa sink. I need this. I need to wake my freaking senses up. Wala akong dapat pagkatiwalaan dito kundi si Jarren. I know he is not that kind of a person. I have to believe that he will never be that kind of a person. With this, I continued to kill all of the questions on my mind. I was able to relax and retouch my make-up again.

"Kalma, Fyang!" I told myself as I applied my red lipstick, "it was your Jarren. Dedma sa bashers, teh! Dapat, mas kilala mo siya keysa sa iba. And you know that he is a good guy. You will never fall inlove with him if he is not. Okay?" Dinuduro ko pa ang sarili ko mula sa salamin, "hindi mauulol ang tao na 'to sa lalaking 'yon kung hindi siya worth it!"

Nang ma-satisfy na ako sa look ko, lumabas na ako ng comfort room. I totally forgot about that random girl. Lumakad na ako sa hagdanan papunta sa table kung nasaan sina Jarren. Pero natigilan ako nang makitang tila ba nagkakagulo ngayon doon sa bandang iyon. Nagmadali akong umakyat sa hagdan at ang unang bumungad sa akin ay ang mga bouncers. But I gasped when I saw that they are holding Jarren's arms. Nagpupumiglas siya at tila ba aatakihin si... wait, si Quentin?! But more than anything else, the girl from the comfort room is helping the bouncer to stop him.

What the hell is happening?!

Napatakbo na lang ako sa kanila!

"You fucker!" Jarren yelled, nagpumiglas siya uli. Dito ko lang napansin na pinipigilan din pala siya ni Jared.

"You fucking betrayed me, bro! I thought you are on my side all this time! But what I didn't know is that you are just like them-- just like that girl!" dinuro niya iyong babaeng nakasalamuha ko sa comfort room kanina, "maybe it's a good thing that I discovered it now. That my best friend is also one of those people who kept on spreading fake news about me in this town!"

"Totoo ba, Jarren? Fake news ba talaga?" Quentin bantered back with a sarcastic smile. Gone are the moments that I picture him as a good guy.

"What are you imposing? That I really did it?!" Jarren yelled again. This might be the first time that I saw him to be this mad. "Well, fuck you!"

Magsasalita pa sana siyang muli nang dumapo ang tingin niya sa akin. His raging eyes initially subsided. Hanggang sa hindi na siya nagpupumiglas, nakatingin na lang siya sa akin habang halata ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Baby..." Was all that he said.

Pero wala na siyang nagawa pa nang hilahin na siya ng mga bouncer papalabas ng club. Ako naman ay taranta lang na sumunod sa kanila. I covered my mouth when the bouncer threw him at the concrete floor outside of the club.

"Jarren!" Agad ko siyang inalalayan papatayo. Pinaakbay ko siya sa akin, "are you okay?"

Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay doon ko lang napagtanto na dumudugo pala ang gilid ng kanyang labi. May pasa rin siya sa kanyang pisngi. Taranta dahil hindi alam ang gagawin at wala rin tao sa paligid na pwedeng tumulong sa amin, dinala ko siya patungo sa pinakamalapit na bench.

"I am so sorry, baby. I ruined our trip..." Beads of tears appeared on his asian eyes. By the way how he talked and smelled, alam kong lasing na siya. Hindi na rin kasi siya makalakad nang maayos kanina.

"It's okay... it's okay, Jarren. Don't think about it." I hushed him.

He started to sob. But a few moments after, narinig ko na lang ang mahina niyang paghagok. Labis akong na-stress. 'Di ko alam kung ano nang gagawin ko. Kung papaano ko ba siya madadala sa kanilang bahay. May mga taxi pero ang problema, 'di ko naman alam kung anong address nila. Napahilamos na lang talaga ako sa mukha habang nakasandal sa balikat ko si Jarren.

Hindi pwedeng dito lang kami buong magdamag kasi malamang, yelo na kami bukas kapag nangyari 'yon! Sobrang lamig pa naman tonight!

"Jesus! Glad I finally found the two of you!" Ang biglang salita ng isang lalaki mula sa aming likuran. Nang tumingin ako sa direksyon niya ay halos pasalamatan ko talaga lahat ng santo na kilala ko! It was Jared! That moment, I can picture him with halo above his head!

Lumapit siya sa amin at agad na hinawakan si Jarren sa balikat, pinaakbay niya ito sa kanya at tinulungan ko siya. Pinaakbay ko rin sa akin si Jarren. Dinala niya kami patungo sa kanyang sasakyan. Pinahiga niya sa backseat si Jarren at ako naman ang naupo sa passenger's seat.

"Buti na lang talaga, hinanap mo kami!" I stated with a relieved sigh, "hindi ko talaga alam kung anong gagawin sa labas, teh! 'Di ko naman alam paano bumyahe dito!"

"Right," Jared responded with a smile, "nag-alala ako sa inyo. 'Yon talaga ang una kong naalala, baka hindi mo alam kung papaano bumyahe pabalik sa bahay nina Jarren."

"Thank you talaga," napa-facepalm pa ako.

"And about what happened earlier, I would like to apologize in behalf of Quentin. Nakainom na rin si gago, eh," nag-tsk siya bago umiling-iling.

"Bakit? Ano bang nangyari? Bakit bigla silang nag-away ni Jarren?"

He sighed deeply, "mabuting si Jarren na lang ang mag-kwento sa 'yo, Fyang. It is not my story to tell, eh," he glanced at me, "I hope that's fine with you. I don't kiss and tell kasi."

Mabagal akong tumango. Sa sinagot niya ay lalo tuloy akong na-curious sa history ni Jarren dito sa Notting Hill. But I tried to shove it all for now from my mind as Jared and I continued with a light topic about his teenage years with Jarren. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ni Jarren. TInulungan ako ni Jared na ihatid si Jarren patungo sa kwarto niya. Lasing na lasing si Jarren. Hindi na siya talaga nagising pa nang mailapag na siya ni Jared sa kanyang kama.

With that, I made a mental to not let him drink any alcohol ever again.

"Thank you so much, Jared," I told him nang ihatid ko na siya sa front door, "hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi mo kami tinulungan."

"No worries, Jarren's a good friend of mine and I am so happy to help, you guys," nag-bro fist siya sa akin, "and please, no matter what happens... always believe what Jarren has to say. I hope this night will not affect your relationship."

I nodded my head at him. Nagpasalamat akong muli sa kanya bago siya tuluyang nagtungo papunta sa kanyang sasakyan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Muli akong bumalik sa kwarto para i-check si Jarren. Huminga na lang ako nang malalim nang makitang mahimbing pa rin siyang natutulog. Hinubad ko ang kanyang mga sapatos bago ako naupo sa kanyang tabi. I caressed his hair as I stared at his face.

Jarren... I need to know the truth from you tomorrow...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon