Episode 2: Picture

6.3K 294 158
                                    

Kung nakakamatay lang talaga ang ngumiti nang wagas, siguro kanina pa ako nakabulagta dito. Dead on arrival talaga ang magiging atake ko nito, atecco!

Paulit-ulit kasing rumerehistro sa utak ko iyong scenario kung papaano ako titigan ni Jarren kanina. Pati na rin 'yung saya sa pakiramdam nang mahawakan ko na ang kamay niya! Hindi ko naman birthday pero bakit sa ginawa niya, parang gusto kong manlibre ng kung sino sa kanto para mag-celebrate?!

Soafer OA na ng babae!

"Gosh..." I placed my two hands on top of my head. Napapikit akong nagpatuloy sa pagngiti na para bang wala nang bukas.

"Hey, Fyang," Luhan came. Nakalimutan ko, nasa tabi ko nga pala siya, "ano ba kasing trip 'yan? Ganyan ka ba talaga kasaya maging katabi ako?"

Automatic na nawala ang ngiti ko. Napalitan ito ng pagsimangot. I stared at him with my knitted brows.

"Oh, tititig pa talaga," he pushed, "huoy! Bakit parang 'yung kilig mo sa akin, nagiging totoo na? Aba ayos ka, Fyang. 'Wag kang marupok—"

"Feeling mo! What if mag-enroll ka sa Deluluverse University ni Kolette?!"

Itinaas ko ang kamay ko. Napapikit naman siya agad dahil doon. Akmang hahampasin ko sana siya sa balikat nang maalala kong maraming mga mata nga pala ng media ang nakapaligid sa amin ngayon. Imbes na hampas ay haplos ang ginawa ko sa kanyang alsadong braso.

"Kay Jarren lang titiklop ang eagirl na 'to, atecco," I am smiling at him with a hint of warning na kapag hindi pa siya tumigil ay tiyak na katapusan na niya.

Kanina niya pa kasi ako inaalaska! Kanina pa siya nagsasabi na kaya raw ako nakangiti ay dahil type ko raw siya!

Sumimangot siya sa akin at ngumuso, "tama ka na, Fyang. May Hope na 'yon," ngumuso pa siyang lalo para ituro ang direksyon kung saan nakaupo sina Jarren at Hope.

"As far as I know, wala pa silang confirmation na sila na nga. Saka hello? Kung magjowa talaga sila, bakit ako si Hermione ngayon at si Jarren ay si Harry Potter? 'Di sila nag-usap?"

"Aba malay ko ba? Baka akala ni Hope, si Darna ang partner ni Harry Potter?"

Pero bigla akong natigilan nang may isang conclusion na pumasok sa utak ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang hampasin ko si Luhan sa braso!

"Aray naman! Ano na naman ba?!" Nakasimangot niyang bulyaw.

"Bakla! What if nakita ni Jarren 'yung post ko kanina sa IG kaya nag-palit agad siya ng costume? What if Captain Barbell talaga originally ang costume niya pero dahil nakita niyang naka-Hermione ako tonight, nagmadali siyang mag-Harry Potter?"

"Aba ayos ang pagiging delulu natin, ha? Parang ikaw yata ang dapat mag-enroll sa Deluluverse University ni Kolette." Natatawang sambit ni Luhan habang hinahaplos ang kanyang braso na hinampas ko.

Hindi ko siya pinansin. Napahawak akong muli sa itaas ng ulo ko, "gosh! Parang totoohanan na talaga 'to! Kailangan ko na bang mag-hire ng engineer at architect para sa dream house naming dalawa?!"

"Tama ka na, Fyang, malala ka na talaga," he told me but I continued with my fantasy. Right now, there are stars on my eyes.

Nag-a-align na ang tadhana para sa JarFyang—chariz! Majojombag ako ni Mama Cece kapag nabasa niya ang nasa utak ko ngayon!

The event continued. Maraming bigatin na artists ang nag-perform sa stage. Kasama na dito ang mga kaibigan ko. Nag-duet sina Kai at Rain na naka-costume ng mga pusa mula sa movie na Cats. On the other hand, si Kolette naman na naka-costume ng Barbie ang nag-sing and dance. Hataw na hataw si bakla! Ginagalingan!

The Public StuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon