We kept our relationship secret.
No one noticed, no one even suspected. Even mga managers namin, ‘di nila alam. Jarren and I made sure that they will see us as just acquaintances na nagkakasalubong lang tuwing Sunday sa ASAP. We are so successful with this game.
Kahit na gustong-gusto ko na itong ichika sa eagirls ko, kahit na kating-kati na ang dila ko para i-share ito sa kanila habang tumatalon sa kilig, ‘di ko magawa. Nakakabanas man pero kailangan ‘to, eh. I wanna keep Jarren, and I am willing to sacrifice my own happiness just to keep him beside me.
“You head first, baby,” Jarren said as he stopped the car sa gate na malapit sa entrance ng network.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nag-krus ng mga braso, “baby?”
He smiled, bakla! Nahawa ako, napangiti din tuloy ako! “Yeah, why?”
Baby-baby ka diyan, what if gawin na natin ang first baby natin—huoy! Chariz! Fyang, bata ka pa! Tatamaan ka sa ‘kin, teh! Bakla ka talaga!
“Wala! Diyan ka na nga, dami mong alam,” inirapan ko siya habang napapangiti pang lalo. Kakainis!
Bago ako lumabas ng kanyang sasakyan ay siniguro ko muna na walang mga mata sa paligid. I did it a couple of times to really make sure. Pero nang masiguro ko nang safe na talaga sa labas ay nagpaalam na ako kay Jarren. Then I head towards the entrance of the network. It is where the security guard greeted me with all their smiles that I am always fond of.
Nang nasa loob na ay nagtungo na ako sa dance studio. Nandoon ngayon sina Kolette, Kai at Rain. Luhan is nowhere to be found.
“Hi mga teh! Na-miss ko na kayo, sa totoo lang tayo!” Ang masigla kong bati sa kanilang tatlo. Mga isang lingo din kasi kaming hindi nagkita. At saka, ‘di na ako sumasama sa lahat ng mga ganap nila.
“Mabuti naman, kilala mo pa rin kami?” Umirap si baklang Kolette.
“Ay, si bakla! Soafer OA? Isang linggo lang talaga tayong hindi nagkita, hindi isang siglo! ‘Di ka magiging OA, huy!” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Hmp!” Umismid si Kolette at niyakap ko siya nang mahigpit.
“What’s your ganap ba lately, girl?” Rainah asked beside me, “it’s not just so you. Sa ating apat, you are the one who always want to go out then out of the blue, you will transform into this some random introvert girl who never wants to hang out with anyone on a weekend?”
“Ang daming sinabi, Rainah?!” Tumawa ako at hinampas siya, teh ‘wag ka nang mag-ano-ano diyan! Baka manalo na naman ang bibig ko at ma-reveal ko ang lahat ng hindi dapat! Kapag ganito pa namang kating-kati na ang dila ko, ‘wag akong susubukan!
“Teh, maturity ang tawag doon,” I flipped my hair as I started explaining, “sorry naman, nag-reflect kasi ako sa lahat ng mga nangyayari and naisip ko, what if mag-mature na ako? What if ito na ang right timing para magbago na ako? ‘Di ba? Ansaya kaya—”
“You have a boyfriend now, I get it,” Kai cut me off and I widened my eyes at her. Right now, she is staring at me right into my eyes with those sharp eyes of hers. Jusko po! Jusko po! Teh naman!
“Anong sinasabi mo diyan?” Tumawa ako at kinabahan dahil baka mag-sound awkward iyon! “A-Ano namang connect ng boyfriend sa choice kong maging matured?!”
“Your cheeks are blushing while discussing your reasons, you are also smiling as if talking about a guy you are so inlove with,” Kai continued to push, and I do wanna cover her mouth na! “Fyang, you have a boyfriend. Don’t you?”
Napanganga si Rain, si Kolette naman ay napatakip ng bibig.
“M-Meron naman, ah! Si Luhan, ‘di ba teh?!”
BINABASA MO ANG
The Public Stunt
FanfictionSofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFy...