Pagpihit ng Bato

66 2 0
                                    

Pagpihit ng Bato

Malamlam na mga mata
Nagbabadyang mga luha
Sino nga ba ulit ako?
Ako na walang utak at puso.

Pagmamalupitan kita
Hagupit ko'y tikman
Sa likod mo'y hahataw
Latigong may pagdaramdam.

Masaktan ka oh masaktan ka
Dumaing ng kay lakas
Arukin mo ang sakit
Na nagmumula sa aking dibdib.

Latigo'y muling hahataw
Mangingibabaw ang mga palahaw
Sumigaw ka sumigaw ka
Luha'y h'wag mong pipigilan.

Sisilay ang ngiti sa aking mga labi
Habang nakikita ang iyong hinagpis
Isang himig ang marinig ang 'yong pagmamakaawa
Tapusin ito, tapusin ang lahat.

Ngunit sa kabila ng lahat
Kasiyaha'y nawawaglit
Makasakit ay tila tinik sa lalamunan
Makirot sa paraang di mo maintindihan.

Kaya manikluhod, magsisi
Manipat, magpatawad
Subalit walang batong maiiwanan
Nang hindi ipinipihit pabaliktad.

-----

07/16/15 11:57PM

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon