Kaya mo bang magtampisaw sa'yong luha?
Luha na lulan ng iyong kapighatian
Ang siya mong dala dalang kalungkutan
Aalunin ka lang sa paghihinuha.
Ang mawalan ng pag-asa kaibigan
Ay hindi mo dapat sukbit kailan pa man
Tiwala lamang sa ating Panginoon
Tiyak kong hindi Niya tayo pababayaan.
Pag ibayuhin pa ang pagmamahalan
Importante iyon sa ating kabuhayan
Pamalagiin ang kapayapaan
Tiwala lang para sa kasolusyunan.
H'wag mahiya sa kaibigan at pamilya
Makatutulong sila sa iyong problema
H'wag ilalayo ang loob sa kanila
Sa kanila ka huhugot ng pag-asa.
Kapatid lagi mo nga lang tatandaan
Iwaksi sa isip ang kasamaan
Gunitain palagi ang kabutihan
Pagpapala Niya'y iyong makakamtan.

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*