Pagpapakilala

1.1K 24 14
                                    

Mahigit limang talampakan ang tangkad
Macho at  siga kung lumakad
Makikilala mo ako kaagad
Weird kong mukha sa'yo ay bubungad. (wala naman :D)

Balat ay may kaputiang taglay
Biro lang! baluga akong tunay XD
Buhok ko'y lagpas balikat
Pag-iisip ay bali-baliktad.

Simple at walang arte sa katawan
Pwede at game kahit saan
Tiyak na mapagkakatiwalaan
H'wag lang atakihin ng hiya, 'yan ang kalaban.

Mahalaga sa akin ang pamilya at kaibigan
Sila rin ang dakila kong kahinaan
Hindi ipagpapalit kaninuman
H'wag lang din nila akong iiwan.

Masyado ng OA at madrama
Kahit ako 'di na kinakaya
Pray tayo lagi sa Ama ah?
'Yan ako, si bla bla bla.

------------------------------------------------------------------

:D

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon