Nitong nakaraang mga araw
Ako ay napapaisip
Gabi, araw, gabi, araw
Sa isip ko ika'y sumisilip.Nilalaanan ako ng mga oras mo
Inaaalala kung nakauwi na sa bahay ko
Tinatanong din kung kumain na ba ako
Sabihin mo, importante ba ako kaya ganon?Nasanay na sa presensya mo
Tumigil ka'y mapapaisip ako
Bakit? Saan nagkulang?
Ikalulungkot ito malamang.Paano kapag pinilit?
Tama ba ito o mali?
Ang daming mga tanong
Susuwayin din naman ang sagot.Tila ba tong pagsubok na gusto kong subukan
O pagkakataon na dapat totohanan
Dito'y damdamin ang isusugal
Maging handa kung hindi mahal.Di ko maintindihan
Damdamin ay kakaiba
Bago ang nararamdaman
Sabihin mo, ganon ka rin ba?-----
(Oct172017)

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*