Pagtitiwala

984 7 15
                                    

Ang pagtitiwala ay parang puno na matayog
Na ang tuktok ay mahirap maabot
Langit kung itaas ay matungtong
Ngunit katatakutan kung ikaw ay mahulog.

Maihahalintulad din ito sa isang bituin
Na kung iisipin at aalalahanin,
Sa umaga ay hindi sila makikita't masisilayan
SubaIit kung gabi, sila ay nagsisikislap kislapan.

Maituturing nga rin itong mga bulaklak
Pagkat katapatan dapat mamukadkad
Ngunit kung ipaiiral ang pagkahalang
Bulaklak ay biglang malalanta na lang.

Ang salitang pagtitiwala ay mahirap
Mahirap intindihin at pangahuluganan
Kung pagtibayin, may mukhang maihaharap
Biguin, mantsa sa puting pangalan.

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon