Pawi

241 11 9
                                    

May mga bagay kang hindi mapagtanto
Mga damdamin na naghahalu-halo
Nais mo na sanang ilabas lahat ng ito
Ngunit hindi mo masimulan sa tanong na "paano?"

Walang ibang makaiintindi
Sa iyo na ayaw magpaintindi
Pero sa iba'y hindi mapahihindi
Kahit na may itinatagong hapdi.

'Di masaya ngunit 'di rin malungkot
Pag-asa ang pinipilit mong mahakot
Hinihintay ang ibig mong umalok
Sa pintong nag aamok ay may kumatok.

Ngunit lumagpas lamang sa'yo
Napag-iwanan at nabigo
Sanayan lamang sa ganitong aspeto
'Di nakapagtatakang ikaw na'y naging bato.

Madali lamang namang tanggapin
Patuloy ka pong aalipinin
Subalit ikaw ay maniwala pa rin
na ang sakit ay papawiin ng malakas na hangin.

---

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon