Kubling Damdamin

501 17 15
                                    

May mga damdamin na sadyang itinatago
Hindi maamin dahil baka mabigo
Ngunit hanggang kailan maikukubli
Mga damdaming tila nag-aatubili?

Masilayan ko lamang ang gwapo/maganda mong mukha
Anong tuwa naman ang aking nadarama
Sabayan pa ng ngiti mong nakawiwili
Aba! puso ko'y parang kinikiliti.

Sa iyong mga mata ako ay naaakit
Nagniningning sa gabi na kay ririkit
Pasadahan nga lamang ako ng iyong tingin
Kasiyahan ko na ngang maituturing.

Habang tumatagal lalong lumalalim
Hindi na mapigilan ang bugso ng damdamin
Karapatdapat ko pa nga bang ilihim
O kailangan ko na itong aminin?

Mula sa malayo, tinitingnan kita
Kita ko ang lungkot sa iyong mga mata
Ikaw ba'y may pasan na mga problema?
Kalimutan mo na, tutulungan kita.

Tulong ko nga ba'y tunay mong kailangan?
Bakit may ibang kamay sa iyo na ay may hawak?
Hindi mo nga lang siguro alintana
Hindi mo kasi ako binibigyan ng pag-asa.

Batid ko na sa iyo ay marami ng may gusto
Mapapansin mo pa kaya ang isang tulad ko?
May kabuluhan pa kaya ang pag-amin ko?
Alam ko naman na wala akong pag-asa sa iyo.

Mabuti pa na ako ay magparaya na lang
At magpasalamat sa Dakilang Lumalang
Sapagkat naramdaman ko kung paano umibig
Hindi nga lang ang ako ay ibigin din.

Masaklap man akong maituturing
Nagmamahal lang naman ako ng labis
Subalit bakit nga ba ganoon, waring
kung sino pa ang nagmamahal ng taos, ay siyang nasasaktan ng lubos?

Hindi man sigurado sa nararamdaman
Alam ko na may mahal ka ng iba
Wala man akong karapatan na masaktan
Isisigaw pa rin na mahal kita.

----------------------------------------------------------

07/14/2012

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon