Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kislap Mata

143 7 0
                                        

Ako'y may kapirasong hiling
Maaaring bang ika'y ngumiti?
Ako nga'y 'yong pinagbigyan, aba'y
Mga mata mo nama'y walang buhay.

Kaulayaw ang ibang mga bituin
Nagkikislapan at nagniningning
Totoo, kay ginhawang pagmasdan
Subalit ang iyo'y hindi maunawaan.

Nasaan na ang malabituing kislap?
Ang maladyamanteng karikitan?
Naglaho na lang ba sa isang iglap?
May dinaramdam ka, alangan.

Payapain mo ang kaisipan
Sipatin ang mga bagay sa iyong harapan
Maging maligaya sa mumunting mga bagay
Tiyak paunti unti, sasaya na ang iyong buhay.

------------

(11/24/14)

Mga Tula Ni WeirdieMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon