Jollibee Crush

227 6 8
                                    

Natutuwa akong laging makita ka
Ang ganda kasi ng 'yong mga mata
Lalo kapag ikaw na'y ngumingiti
Nagiging kamukha mo na si Jollibee.

Parang gusto ko atang kumain ng spaghetti
Kasi para akong kinikiliti
Sa mga tingin mong nakakatunaw
Parang estatwa akong hindi makagalaw.

Nangingiti na naman ako, oh boy
Tila nalalasahan sa bibig ang Chicken Joy
Pahinging ice cream na matamis
Dahil bukas ika'y aking mamimiss

Gusto ko sanang mag Hello at Hi
Bibigyan din kita ng Peach Mango Pie
Gusto mo ba ng mga ganoon?
Kapag napahiya, tatalon ako sa balon.

Ang mga mata at ngiti mong angkin
Totoo, ang lakas ng tama sa akin
Kamukha mo nga si Jollibee talaga
Napapakanta tuloy ako ng  "Bida ang saya!"

------------

La kwents. Haha

A/N: 'Yong tinutukoy ko sa tulang to ay recently ko lang nakilala. Lagi siyang seryoso at bihira ngumiti. Pero kahapon nakita ko siyang tumawa. Oh boy! Ang cute. MalaJollibee. Hahaha. Very very light ko lang siya na crush.

11/05/14

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon