Tahimik Mong Pag-iyak

195 3 0
                                    

Tahimik Mong Pag-iyak

Ibaling sa akin iyong mga mata
Ipabatid ang tunay mong nadarama
Kailanma'y h'wang itago
Pagkat habambuhay ako'y naririto.

Tingnan ka'y tulad ng salamin
May replekang pino at matibay
Malakas na di patitinag, ngunit
'Pag bumagsak ay nawawarak.

Ibaling sa akin iyong mga mata
Upang aking nang masulyapan
Ano ang 'yong itinatago
Sa likod ng paningin mong nanlalabo?

Ulo mo'y dahan dahang umangat
Huwisyo ko'y nahangal
Ulap sa'yo na'y sumaklob
Damdamin nati'y nagdarahop.

Di mo ibig tumuran ng salita
Ni di maringgan ng mga hikbi
Nag uunahan lang na maaalat na likido
Naghihintay ng taong sasalo nito.

Emosyong walang bakas
Mga luhang nagbabagasakan
Sarili ko'y ibibigay, halika't ika'y humawak
Nang mawakasan ang tahimik mong mga pag iyak.

-------

12pm 11242015

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon