Ang Totoong Tsismis

1.2K 18 29
                                    

Ang Totoong Tsismis

by: Weirdie

Mayroong mga bagay na hindi ka nalalaman
Mga bagay na hindi na kailangan pang pakialaman
Hindi na rin dapat pang bigyan ng komento
Dahil hindi mo naman alam ang tunay na kwento.

Bawat isa ay may kani-kaniyang istorya ng buhay
Mayroong mga kwento na masasaya at makukulay
Mayroon din namang mga masasalimuot ang pinagdaraanan
Ngunit hindi nito mababago ang pagiging patas sa pamantayan.

Madalas na kakabit ng mga kwento ay tsismis
Kapag dumaan sa mga tsismosa, nalalagyan ng dungis
Dagdag bawas pa nga minsan, tunay na mababangis
Pero walang halaga ang lahat ng iyan sa taong malinis.

Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba
'pagkat hindi ka gumigising para magpasikat sa kanila
Anupamang mga matatalim na salita ang sa iyo ay ipatama
Ngumiti ka at ipanalangin sa Ama ang kanilang mga kaluluwa.

Payo lang, mag-ingat sa matatalas na pananalita
Lalo na sa mga pahayag na 'di mo alam ang totoo at salita
Dahil simple man iyang mga opinyon na naikomento
Nakasasakit lahat ng iyan na tumatagos hanggang puso.

---------------------------------------------- ---x-------------------------------------------------

First published poem ko rito a wattpad. :)

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon