Nakadarama ka ba ng bigat sa dibdib?
Subukang ibsan, ligaya ang ipalit,
Maupo muna ng walang iniisip sandali
Tumanaw, damhin ang sariwang hangin.
Sa bawat pagdampi ng lamig,
Makaririnig ng mahinang himig
"Limutin ang problema, " nito ang sabi
Unti unti, sisilay sa bibig ang ngiti.
Ang sarap isipin na mundo'y payapa
Na gano'n din sana ang isip na magulo't abala
Kahit papaano gagaan panandali ang aura
Sasabayan pa ng pagdulog sa ating Ama.
Hihilingin na sana'y maayos ang lahat
Malagay nawa ang mga bagay sa dapat
Magawan ng paraan ang mga lubos na iniintindi
Upang bigat sa dibdib ay bumawas ng kaunti.
Ngunit ang katotohanan ng buhay ay
Hindi agad nalulutas ang mga bagay bagay
Ang kaligayahan ay sadyang panandalian
Bumabalik lang ang lungkot at problema upang maramdaman.
---------
(11/10/14)

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*