Paano ba sumaya?
Paano ba sumaya,
Sabihin mo nga sa akin
Kung naglalabanan ang mga bansa laban sa bansa?Paano ba sumaya,
Sabihin mo nga sa akin
Kung talamak ang mga buwayang gutom sa pera ng mamamayan?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung walang hangad ang tao kundi pera?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung may mga kumakalam ang sikmura?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung bakit may mga mag asawa na nag aaway at nauuwi sa hiwalayan?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung bakit hindi nawawalan ng problema sa pamilya at buhay?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung hindi mo pwedeng mahalin ang gusto mong mahalin?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung bakit hindi ka gusto ng taong gusto mo?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung wala kang maituring na totoong kaibigan sa mga kaibigan mo?Paano ba sumaya
Sabihin mo nga sa akin
Kung pakiramdam mo wala ka ng pag asa?Ngayon, sabihin mo sa akin
Paano ka sasaya
Kung pinupuno mo ng mga tanong ang isip mo ng mga bagay na hindi magkakaroon agad ng sagot?Sabihin mo nga sa akin
Paano ka sasaya
Kung hindi ka tatayo ngayon at gagawa ng paraan?Sabihin mo nga sa akin
Paano ka sasaya
Kung hindi mo lilimutin sandali ang problema pagkatapos ay lalaban at ipagpapatuloy ang buhay na puno ng pag asa at pananampalataya?------
Inspired by these quotations:
"If you don't have hope, what's the point of living?" - Beth (The Walking Dead)
"If you can fight, fight" - Jerry (World War Z)
( dedicated kay kleyrrbear kasi pareho kaming mahilig sa TWD. ;) )
2014

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*