Tengeneng buhay
Daig pa pilay
Pati na anay
'di pa mamatay.Walang patutunguhan
Kung lagi na lang ganyan
Sa mga simpleng bagay
'di mo man lang maasahan.Sobrang nakaiinis
Sa pader sarap ikiskis
Ngunit isip ko'y malinis
Hindi magawa ang nais.Walang magawa, ang saklap!
Ligaya lang naman ang hanap
Kabutihan siya sanang sangkap
Para magbuhay alapaap.Iyon na siguro iyon
Sumabay na lang sa alon
Hindi man ako sang ayon
Harapin na lang mga hamon.Isa pang nakaduduling
Nilalang na napaka aning
Pasensya po ang hinihiling
Upang 'di makarinig ng halinghing.Lalapit na lang sa Panginoon
Hihingi sa Kanya ng tulong
Sana'y maging mahinahon
Ng hindi makagawa ng kahit ano.---
Nasulat lang ito one time dahil naiinis ako. Napaglabasan lang.
Phew .. Okay na :)

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*