Hindi mapakali at balisa
Sa pakiwari mo'y may 'di tama
Pakiramdam na tuyo pero basa
Nagkakaroon ka na ng hinala.Hinihintay kapag wala pa
Kapag nandyan nama'y gustong mawala
Hindi maintindihan ang sarili
Pabagu bago ang pakiwari.Sasakit ang ilalim ng tyan
Mamimilipit pa nga minsan
Hot compress pwedeng ilagay
Pag di nakayanan uminom ng gamot para mawalan ng malay.Pasador para sa limang araw
Hindi komportableng mga galaw
Iinit pa ang ulo minsan
Lahat biglang masusungitan.Minsan na nga lang dumalaw sa isang buwan
Pahihirapan ka pang tunay
Pero naisip mo ba?
May mabuti rin itong dahilan.Babae na pwedeng pagsidlan ng binhi
Magbubunga ng biyayang ipagbubunyi
Kasiyahan sa nakararami
Dugtungan ng salinlahiGanun pa man, ito ay natural
Sa batang nagdadalaga't normal
May baon man itong sakit at hapdi
Patunay lamang na isa kang ganap na babae. :)*BOW*
------
2014

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Weirdie
PoetryMga tulang hatid ng isang wirdong tulad ko para sa inyo. Ang mga ito'y mula sa aking malikot, makulit, mapangahas, madrama, at humahangang kaisipan. Matuwa ka sana sa iyong mga mababasa. Okay lang din kahit mainis. Pakiss! :*