Sa Parang

209 9 7
                                    

Sa Parang

Isang araw, ako ay nag-iisa
Sa parang na puno ng masasaya
Sa kaliwang banda, mata ko ay napako
Napako sa lugar kung saan ka naroroon.

Habang tumititig, ako ay napangiti
Bakas ang pagkasabik sa aking mga labi
Ligaya sa pagkatao ko ay nababata
Sa isang kisapmata, nais lapitan ka.

Ngunit bakit ganoon?
May lumapit s'yo, mga kamay n'yo pa'y pinagsalikop
Kalungkutan sa akin ay lumamon
Pagkat ang dilim sa akin ay muling sumakop.

Nangingislap ang aking mga mata
Nagbabadya ang rumaragasang mga luha
Bakit ganoon, mayroong iba?
Sa ikalawang pagkakataon, ikaw na naman ay nagkasala.

Luha sa mga mata ko ay pinunasan
Magiging matalino at matapang na
Matapang upang hindi na maging martir pa
Martir sa mga taong walang ginawa kundi ang manloko ng iba.

------------------------

(07/30/14)

Mga Tula Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon