First Reply
-----"This kit contains plasters, sterile gauze dressings, sterile eye dressings, bandages, safety pins, sterile gloves, cleansing wipes, sticky tape, rash cream, antiseptic cream, painkillers..."
Napabuntong-hininga ako matapos basahin ang nakasulat sa maliit na papel na naka-display sa box ng first aid kit. Lumingon ako sa labas ng drugstore. Madilim na rin pala. Mahihirapan na 'kong sumakay pauwi. Punuan kasi 'yung mga jeep na dumadaan sa highway sa tapat kapag ganitong oras na.
Pwede sana akong nakauwi nang maaga. Ang kaso, hindi ko mabibilhan ng medicine kit si Marcus kung ipagpapaliban ko 'yung pagdaan dito.
Nakakakunsumi kasi siya. Nakita ko siya kanina na parang hindi pa rin nilalagyan ng treatment yung pasa niya sa panga at cheekbone. Mukhang sariwa pa rin kasi at medyo maga pa. Ang balita sa 'kin ni bestie, nag-away raw si Marcus at 'yung Dad niya dahil sa kotse kaya siya injured.
No'ng nakaraan, nag-send na 'ko ng pangalawang message sa kanya para i-remind siyang gamutin 'yung injuries niya pero s-in-een lang ako - gaya no'ng unang message ko. Nahihiya na 'kong mag-send ng pangatlo kasi baka makulitan na siya. Saka, masakit din ma-seen.
Kabadong-kabado ako no'ng sinend ko 'yung first message, tapos, hintay ako nang hintay kung kailan niya makikita. No'ng na-seen na niya, hoping naman ako na baka mag-reply siya. Kahit hindi siya nag-reply, naglakas-loob naman akong mag-send ng ikalawa kasi pagala-gala siya sa school na may injury. Kawawa siya. Bongga 'yung kaba ko no'ng na-seen na naman niya uli. Pero wala uling reply.
Hay naku. Nakaka-hoping tumitig sa seen kahit na dapat, hindi naman ako nag-aambisyon na ma-reply. Pero sana, kahit sinunod man lang niya 'yung bilin ko sa message. Wala ba siyang balak i-treat ang injury niya?
Napabuntong-hininga ako uli. Natuon ang mata ko sa lower shelves. May mga loose items do'n na pang-first aid.
Mukhang mahilig sa basag-ulo ngayon si Marcus. Pang-ilang ulit na niya kasing may injury. No'ng una, sa laboratory activity yata nila. Dahil sa asar niya kay Laurice, 'yung ex-girlfriend niya. Tapos, wala pang dalawang linggo, kaaway naman Dad niya. Siguro, nadadala siya ng pagluluksa niya. Mahirap maiwan ng Nanay. Saka, malamang, nakaka-highblood 'yung papansin niyang girlfriend na nakipag-break na nga, madalas ko pang makita sa freedom park o sa library na ipinaparada 'yung bagong boyfriend. Mas gwapo naman si Marcus! Mas matalino pati.
Dahil nadadalas ang basag-ulo ngayon ni Marcus, dadagdagan ko na lang sigurp 'yung pang-first aid niya para may spare pa.
Pero kung magiging close kami, pipigilan ko siya makipag-away. Sayang 'yung mukha niya kung ipapasuntok niya lagi. Pa'no 'yung lips niya na maka-cut? Tapos, 'yung ilong na pwedeng ma-deform? Tapos, 'yung mata niya?
Dumampot ako ng ice-pack. May print na Bugs Bunny. Umupo ako sa sakong ko at nagkalkal sa mga items sa lower shelves. Bakit walang loose items na hindi printed?!
Napatingin ako uli kay Bugs Bunny. Cute naman si Bugs Bunny. Hindi naman siguro masama kung may print 'yung spare ni Marcus. Hindi ko naman siya sisingilin. Libre ko lang ibibigay.
Dahil gumagabi na talaga at mag-aalala na si Nanay, kumuha na lang ako ng mga loose items kahit magkaiba-iba ng print : ice-pack na Bugs Bunny, band-aid na Hello Kitty, at cotton and swabs na Lilo and Stitch. Saka ko binitbit lahat sa counter para bayaran.
Manganganib 'yung ipon ko galing sa scholarship. Mahal kasi 'yung first-aid kit. Dahil siguro sa box.
***
"Walang tao. Bilisan mo na..." bulong ni Helga sa 'kin. Naramdaman ko pa 'yung palad niya na tumutulak-tulak nang mahina sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance