July 18, 2015
10:47 AMAnong gagawin ko???!!!
Bakit siya nagre-reply sa 'kin? Bakit siya nagmi-message back? Bakit siya nag-friend request?
Ayoko sanang i-confirm yung request niya kaya lang kasi, ang rude ko naman nun. E ako yung unang nag-message sa kanya. Gumawa pa ko ng dummy account para sa kanya!
E kung mag-deac kaya uli ako? Huhuhuhu. :'(
Pero baka hanapin niya ko o di kaya, isipin niyang may ginawa siya uling mali. Huhuhuhu. Ang gulo-gulo!
Nahihirapan akong huminga araw-araw dahil sa kanya. Nerbyos na nerbyos na ko tuwing nagre-reply siya. Hindi ko na alam ang gagawin tuwing may notif sa messenger. Huhuhuhu. Ang gwapo pa naman ng profile pic niya pag bumubulaga. Ang ganda niya ng smile niya kasi! <3
Ilang ulit na kong nag-o-offline para lang hindi kami magkasabay sa chat. Para lang hindi kami mag-usap. Tapos, ang aga na ng gising ko para mag-good morning kahit na hindi pa ko papasok. Para lang maka-message pa ko habang tulog siya. Kasi kung mag-uusap kami, hindi ko alam ang mga sasabihin ko! Huhuhu. Ang awkward-awkward ko! Baka ma-annoy siya! :'(
Bakit kasi ganun? Bakit siya nagri-reply? Gusto niya ba kong kausap? Ang boring ko kaya. Mabo-boring lang siya tapos aayawan na niya ko. Wala ba siyang ibang maka-chat? Bakit ako? Nobody na nga ako e. I'm not supposed to catch his attention. :(
Tapos, pano pag tinanong niya yung tunay kong pangalan? O yung course ko? O yung year level? Pano pag tinanong niya yung age ko? Sasabihin ko bang 17? E di mabubuko niya agad kung sino ako kasi ilan lang naman ang kakilala niya na mas bata sa kanya. Number one dun si Helga. Number two na ako agad-agad! Huhuhuhuhu. Baka mabuko na niya ko. Tapos malalaman niyang crush ko siya. Tapos matu-turn off na siya dahil ang nerd ng itsura ko. :'(
Ang pangit ko kasi. :(
Pag pinalitan ko kaya ng contact lens tong salamin ko, gaganda kaya ako ng kaunti? Gaya run sa mga palabas? Pag nawala na kaya yung tuldok-tuldok ng pimples ko, mas gaganda ba ko? Pero ang mahal ng contact lens! Mahal din yung pantanggal ng pimple marks! Saka, hindi pa ko dapat gumamit ng mga facial products dahil mas makakasira yun sa balat. At wala akong pambili!!!!! Waaa!!!!!! :(
Sira pa nga tong kamay ng salamin ko. May utang pa kami ni Nanay sa school. Nagtayo pa ng sari-sari store yung katapat na bahay e may tindahan na kami! :(
Waaa... Bakit, Marcus? Hindi pa ko handang umamin sayo! Wag muna tayong maging close! Magpapalaki pa ko! Magpapaganda pa ko! :'(
Pero baka rin hindi kami maging close. Kasi nga, baka ma-turn off siya pag na-realize na niyang ang boring ko. Kasi nga... ang boring ko!
Bakit ako boring???
Waaa... Bakit, Marcus? Hindi pa ko handang ma-turn off ka sa kin! T__T
Nababaliw na ko, notebook, dahil lang friends na kami. Nag-status pa siya tungkol sa kin. Ako yung nobody, di ba? Omaygad!!!
Wala naman talaga akong pag-asa, e. Di naman niya ko kilala para magustuhan niya o makuha atensyon niya. Kaya bakit nakaka-hoping? #HopiaKaJenessy
Kainis!!!
I just want to be there for him. Pero nakakatakot mapalapit sa kanya. Masasaktan ako. Sigurado. Kasi yung kaunting atensyon pa lang na binibigay niya ngayon, yung good morning at good night niya, ang saya-saya ko na.
Sobrang saya. Hindi ko akalaing ganito kasaya.
Pano kapag binawi niya?
Anong gagawin ko??? :'(
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Novela Juvenil(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance