TUE AT 03:46 AM
En : Good morning!
En : Hindi ko pala nasagot yung sa mga VMs mo.
En : Bale, I like dogs. Pero wala akong pet sa bahay. May aso kami dati pero nung namatay siya (sa old age), hindi na kami uli kumuha ni Nanay ng bagong aalagaan. Ikaw? May pet ka?
En : I'd like to be a volunteer doctor, too. Sa mga farflung areas. Nung first year tapos nag-tour kami sa mountain reserve ng Cordillera, nagkaroon din kami ng chance to talk with the natives nearby. Magkakalayo ang bahayan sa kanila tapos tawid-bundok yung mga clinics. Tawid-ilog pa. Parang maganda nga magkaroon ng mobile clinic. Pero kailangan yata run, four-wheel drive kasi aakyat talaga sa batuhang bundok yung sasakyan.
En : But I think, it's something that we should look upon. Kasi, yung mga nakatira sa malalayo na hindi abot ng gamutan, halos walang chance para magpa-check up pa. Lalo na magpagamot.
En : May mga namamatay sa kanila sa sakit na ni hindi natitingnan ng mga doktor.
En : Kapag may satellite clinics ka na sa malalayong lugar, mag-a-apply ako sa inyo a. (∩_∩)
En : Saka... ano...
En : I'm happy that you... were thinking of me.
En : I would like to see what you see, too. I would like to go where you go, too.
En : Pag may chance...
En : E... Yun.
En : Good morning uli! Review muna ko.
En :
Marcus : Good morning! Review na tayo. I'll answer your messages later.
Marcus : Baka madaldal kita ngayon e. Delikado tayo pareho. Haha.
En : E, gising ka na! \(^ ^)/
Marcus : Haha. Yes.
Marcus : Review muna tayo. :)
En : Okay. :)
Marcus : Okay. :)
06:36 AM
En : I'm going to school. Ingat sa pag-drive! Eat your breakfast!
Marcus : I'll be on my way, too. Ingat sa commute. :)
En : Have a nice day!
Marcus : Have a nice day!
12:05 PM
Marcus : How's your test? Tapos na ba o hindi pa?
Marcus : Yung question mo, I have a pet parrot before. Nung high school. Si Nougat.
Marcus : Pero namatay bago pa ko maging freshman sa Bio. After him, wala na uli akong naging pet.
Marcus : I'm thinking of Tito Ponce's offer na kumuha ng aso sa mga alaga niya. But I'm not so sure kasi graduating ako this year. Baka hindi ko rin maalagaang mabuti.
Marcus : Sabi naman niya, magsabi lang ako kahit kailan ko gustong kumuha ng aso. May alaga kasi siyang laging nanganganak.
Marcus : And I'd love to be with you in a clinic in the future. ^__^
Marcus : Yun. Anyways, nasa library na yung ibibigay ko sayo. Make sure to get it.
Marcus : At kain na tayo, En. :)
01:01 PM
En : Nakuha ko na yung gift mo...
En : Saka ano... Thank you sa kasamang flowers.
En : Ngayong hapon pa lang yung test ko.
En : Tapos ano... may iniwan ako sa kotse mo. (∩_∩)
En : Later! :)
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Fiksi Remaja(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance