July 21, 2015
05:47 PMNaisip ko, notebook... Ano... Hindi naman ako kailangang mataranta kung parehas kami magsalita ni En, di ba? Kasi, hindi ko naman ginawa si En para intentionally na lokohin si Marcus.
Ginawa ko lang si En para maging malaya sa pagsasabi sa kanya ng nararamdaman at iniisip ko bilang si Jenessy. Ng pagpaparamdam sa kanya na concern ako. Pero hindi naman dahil nagtago ako kay En, na intentional ko na siyang lolokohin. So, I shouldn't start looking for ways to deceive him now. Magtatago lang ako. Hindi manloloko.
Hindi naman din ako magaling manloko ng tao o magsinungaling. At ayoko talaga yung gawin sa kanya.
So, kung halimbawa na itanong niya mismo kung ako si Jenessy o kung ako si En, sasabihin ko lang naman na hindi pa ko handang sagutin, di ba? Gaya nung una niya kong tinanong. Sabi ko, nobody ako. Hindi na siya nagtanong uli after. Ibig sabihin, naiintindihan niya na ayoko pang magpakilala, di ba? Kasi, mabait talaga siya.
O baka hindi siya ganun kainteresado sa kin. T____T
Pero di bale. Point is... hindi ko ginawa si En para lokohin siya. Ginawa ko lang dahil hindi pa ko handang magpakita ng concern, gamit ang tunay kong pangalan. Ayoko kasing mapagtawanan. Lalo na ang ma-reject niya.
Nung una pa lang, inisip ko nang hindi naman niya ko papansinin kahit gaano siya kabait. Kaya malakas ang loob kong mag-message gamit si En. Akala ko, hindi ko siya makakausap o malalapitan kahit na kailan. Akala ko, hindi ko siya maaabot.
E mali ako... Hays. Ayan. Suffer the consequences tuloy. :(
Kaya, wala akong dapat itago. Mag-iingat na lang ako pero hindi ako dapat intentional na gumawa ng kwento ni En para lang iligaw siya. Accountable dapat ako sa ginawa ko. Kung isang araw, magtatanong siya at kaya ko na, sasagutin ko siya ng maayos. Kung anuman ang mangyari after nun, kung magagalit siya kasi parang niloko ko siya, iiyak na lang siguro ako. Huhuhuhu. T____T
Sana lang hindi muna anytime soon yung aminan portion, di ba? Kasi... hindi ko pa talaga kaya! Huhuhuhu... Saka, kailangan ko pa siyang i-good morning ng mas maraming beses. At hindi ko pa talaga siya natutulungang mag-open up ng feelings niya. T____T
Yung mga linyahan niya pa lang sa Dad niya, obvious nang marami siyang dinadala. Kung pwede akong makatulong sa feelings niya, si En man ako o si Jenessy sa paningin niya, basta makatulong, okay na yun. At least, hindi mawawalan ng saysay yung kalokohan ko sa dummy account.
Please, dearest Universe and the Divine, sana wag muna siyang magtanong ngayon. O mga after 100 days.
Promise, after 100 days, ready na ko. Kahit ako mismo ang umamin sa kanya.
Basta naman, please, wag muna anytime soon. Please. T___T
Hindi ko pa talaga kaya. Masyado pang maaga. Masyado pa akong masaya. Kahit ito lang, ibalato N'yo na sa kin. Promise, hindi ako magiging bitter sa matagal na panahon. At dadamihan ko ang good deeds ko.
I just want to be useful to him and stay by his side a little longer. Papa-graduate naman na siya. Baka after this schoolyear, hindi ko na siya makita. At kapag nangyari yun, who knows how easily he will forget me?
Kaya, please po, ha? Grant my wish. Kahit ito lang.
PLEASE.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance