Day 67

30.1K 815 97
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

___________________
04:49 PM

Helga :

Bestie? A-absent ka ngayon?

Helga :
San ka na? Parating na si Prof anytime!!?

Jenessy :
Nandito na sa school.

Jenessy :
Ano... nasa C.R.

Helga :
Anong ginagawa mo diyan? Baka dumating na si Prof, lagot ka! Ayaw pa naman nun sa late!

Jenessy :
E kasi e... Punta ko pag nandiyan na si Prof para hindi na pwedeng istorbohin yung klase.

Helga :
Hahahaha!
Bakit? Sinong iistorbo?

Helga :
Hindi ka naman pupuntahan ni Marcus sa klase no!

Jenessy :
Kahit na. Malay mo... Lagi akong mali sa judgement pagdating sa kanya e...

Jenessy :
Maniniguro na lang ako. Madadaanan yung room natin ngayon pag papunta sa room nila e. Baka mamaya, makita akong walang ginagawa e. Tapos, magkatinginan kami...

Jenessy :
Tapos, alam mo yun? I don't know.

Helga :
Haha! Wala sila ni Kuya ngayon! Praning! Bumalik sila sa Pangasinan kanina, sa Dad ni Marcus.

Jenessy :
Ha? Totoo?

Helga :
Oo! Umalis sila kaninang madaling-araw.

Helga :
Sumama si Kuya para taga-drive kasi hindi pa okay si Marcus.

Helga :
Nagpapaayos na yata kasi ng will yung Dad niya. Para raw in case na may mangyari uli, secured si unico hijo.

Helga :
Kasama nila yung lawyer dun.

Helga :
Sa Miyerkules pa balik nun! Saka ka na magtago! Hahahaha!

Jenessy :
Totoo yan a? Baka joke lang yan a...

Helga :
Haha! Sira! Hindi to joke. Totoong umalis sila. Nag-excuse sila sa mga prof.

Helga :
Napagalitan pa ni Dad si Kuya kasi nakikidamay sa absences ni Marcus. E, pinanigan ni Mommy. :P

Jenessy :
Buti naman. Para may kasama siya... Hays.

Helga :
Ayan! Nag-aalala ka pero di ka maka-mesage? Takot ka? Dahil may kasalanan ka? Tsk...

Jenessy :
E... Takot lang ako sa biglaang confrontation. Magulo pa rin naman e.

Jenessy :
Kasi, kahit naman may tats siya ng pangalan ko, hindi pa rin naman niya ko kinausap as En nung dun sa freedom park. Tapos, magulo pa rin kung alam ba niya yung kay Jeric.

Helga :
E kaya nga, sabi ko sayo, di ba? Mag-login ka na uli sa account mo para malaman mo. Kasi malamang, nag-message yun sayo.

Helga :
Bakit hindi mo pa ginagawa?

Helga :
Kasi... takot ka... (*゚▽゚)ノ

Jenessy :
E...

Jenessy :
Oo na! Takot nga ako!

Jenessy :
Kasi... anong gagawin ko? Pano ko uli siya ia-approach kapag nalaman kong mali talaga ako sa lahat ng naisip ko? Na nag-jump tayo sa maling conclusion?

Jenessy :
Tapos, iniwan ko siya kung kailan pa mahirap na naman yung nangyayari sa kanya?

Jenessy :
Nakaka-frustrate na.

Jenessy :
Saka bakit di niya pa ko ina-approach uli?

Jenessy :
Ewan. Ang gulo.

Helga :
E baka naman nga naghihintay lang na mag-reactivate ka. Kasi kung bibiglain ka niya e baka mahimatay ka at lalo kang mawala.

Helga :
Kaya sige na. Kahit mag-login ka lang uli. Para malaman natin kung may message. Tapos...

Jenessy :
Tapos?

Helga :
Tapos, maghanda ka na kapag sisingilin ka na ni MM at iko-confront! Bwahahahahaha!!!

Helga :
This time, hindi kita kakampihan! Bwahahahahaha! :3

Jenessy :
Hala!!! Wag!!!

Jenessy :
Wag mo kong iwan!!!

Helga :
Mag-reactivate ka na, dali. Hindi kita ibebenta kay MM kapag mag-log in ka uli. Kahit log in lang.

Jenessy :
Wag mo kong ibebenta a...

Helga :
Hahahahaha! Hindi!

Helga :
Tapangan mo lang kasi ng isang beses pa yung puso mo. Alam ko, mahirap yun sayo. Matagal na kitang kilala e.

Helga :
Pero bestie, ang love daw, di ba, para sa matatapang. Kasi, kung hindi ka matapang masaktan, magkamali, at mapahiya, hindi maiingatan. Hindi rin magtatagal.

Helga :
Kung nagkamali ka, be brave to apologize. Bibigay naman agad yun sayo. Naka-tattoo ka na sa tadyang niya e. Hahahahaha!

Jenessy :
Okay. Susubukan ko.

Helga :
Subukan mo. Para kay MM!
Yiii... ;)

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon