(Text messages. Helga and Jenessy)
____________________
09:10 AMHelga :
Anong nangyari sa accounts mo? Bakit wala parehas?Jenessy :
Deactivated, bestie.Helga :
Ha? Bakit?Jenessy :
Kwento ko sayo bukas. Sorry. Tinatamad pa kasi akong magsalita ngayon.Helga :
May nangyari ba na hindi ko alam???Jenessy :
Medyo lang. Bukas na lang talaga, please.Helga :
Okay ka lang ba?Jenessy :
Hindi...Jenessy :
Pero magiging okay din ako.Helga :
Okay.Helga :
Na-message ka pa ba ni MM kahapon?Jenessy :
Hindi. Bakit?Helga :
Inatake uli Daddy niya a? Nag-drive siya papuntang Pangasinan kahapon. Tapos, nabangga.Jenessy :
Nabangga???Helga :
Oo e. Hindi mo alam?Jenessy :
Hindi...Jenessy :
Anong nabangga? Panong nabangga?Helga :
Hindi ko pa rin alam e. Si Kuya nga, nagagalit. Ngayon pa lang kasi niya nalaman.Helga :
Si Ash ata yung huling kausap ni MM kahapon, bago mabangga.Helga :
E lutang din. Ayon, late mag-relay ng message.Jenessy :
Si Ash? Hindi si Jeric? Anong oras daw nabangga?Helga :
10 something? Mag-e-eleven? I don't know exactly.Jenessy :
Nasan siya?Helga :
Nasa ospital ata malapit sa Bulacan.Helga :
Okay naman na raw. Nabugbog lang dahil sa impact. Pero nothing serious.Helga :
Kausap ni Kuya kanina e. Para nga silang tanga e. Parehong beastmode sa phone.Helga :
Ewan ko kung anong pinag-aawayan nun.Jenessy :
Hala...Helga :
I-message mo na si MM mo! Para lumakas! Hihihi.Jenessy :
I can't... anymore.Helga :
Ha? Bakit?Jenessy :
Hays.Jenessy :
Punta ka na lang dito sa bahay. Ikukuwento ko sayo.Helga :
Okay, sige. :)
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Jugendliteratur(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance