Day 31

30.9K 1.1K 103
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

______________

01:34 PM

Helga :
Psst! Jenessy Alfonso!!!

Helga :
Punta ka rito sa bahay! Ngayon na!

Jenessy :
Ha? Bakit?
May order sila Tita?

Helga :
Wala. Pero, sige, paorderin ko na lang sila Mommy. Magdala kang isang bilaong pansit.

Jenessy :
Sige. May minatamis pa rin na macapuno rito. Gusto mo? Wala akong baon sa Miyerkules, bilhin mo na.

Helga :
Haha! Sige, dalhin mo na!

Helga :
Punta ka na ngayon para mauna ka kay Marcus. Papunta siya e.

Jenessy :
Sasabay siya uli magsimba? Di niya nabanggit kaninang umaga e.

Helga :
Sasabay siya magsimba pero maaga raw siya tatambay rito.

Helga :
Tumawag siya e. Ako nakasagot ng phone. Di kasi nagrereply si Kuya sa kanya. Nasa ligawan.

Helga :
E di siyempre, inimbestigahan ko siya kung kasama niya sila Ash at Kuya Jeric. E sabi niya, siya lang daw.

Helga :
Ang nangyari pala, pinuntahan siya ni bruhang Laurice sa bahay nila kanina. Gusto yata siyang ipagluto ng lunch. Malandi. -___-

Helga :
May pupuntahan daw muna siya tapos punta na raw siya rito.

Jenessy :
E? Grabe naman si Laurice.
Iniiwasan siya ni Marcus?

Helga :
Malamang! E mag-isa lang si Marcus sa bahay nila tapos pupuntahan ni malanding Laurice. Duh!!!

Jenessy :
E di ba, may boyfriend siya?

Helga :
E baka break na. ( ̄^ ̄゜)

Jenessy :
O, ngayon? Kapag nakipag-break siya, babalik lang siya kay Marcus? Hindi naman pwede yun! ಠ~ಠ

Helga :
Kaya nga punta ka rito. Dito na lang natin gawin yung research paper natin. Mas mabilis pa internet namin.

Jenessy :
E... anong gagawin ko diyan bukod sa research? Baka mahalata ako!

Helga :
E di magpaparamdam ka kay Marcus! Parang destiny! Hahaha. Ipagluto mong lasagna! May ingredients dito.

Helga :
Maya pa uuwi si Kuya e. Makipagkwentuhan ka.

Jenessy :
E?! Hindi ko kaya! Mauutal ako!!!

Helga :
Haha! Baliw! Kaya mo yun! Support kita! #KapagMayPagibigIpaglabanMo

Jenessy :
Hindi ko nga talaga kaya! Huhuhuhu. Kinakabahan na ako ngayon pa lang! (╥╯θ╰╥)

Helga :
Hala! Mas ayokong ako ang kakwentuhan niya no! Baka maamoy nun pabango ko, sige ka!

Helga :
Parehas tayong pabango! Baka isipin niya, ako ikaw.

Jenessy :
Hala...

Helga :
Punta ka na! Para ma-inspire ka! At para magka-moment kayo! Hahahaha!

Helga :
Tutulak kita sa kanya! Hahahaha.

Jenessy :
E! Wag!!! 。゚(゚'Д`゚)゚。

Helga :
Oo na! Hindi! Hahahaha!
Basta punta ka! Kaysa bumalik siya sa kanila tapos kay Laurice! Bahala ka! Baka pikutin yun! ( ̄^ ̄゜)

Jenessy :
O, sige. Hintay lang. Papaluto ko kay Nanay yung pansit.

Helga :
Ngayon na ha?! Agad-agad!

Jenessy :
Oo! Ito na!
(ง ˙ω˙)ว

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon