(Jenessy's journal)
Today, we had our first date. Sa school. By the pool. Kung saan ako muntik malunod. Kung saan ko siya unang nakalapit.
Itinanong raw ni Marcus kay Helga yun.
Hapon pa lang, suot ko na yung dress na bigay niya. Sinundo ako sa bahay nina Kuya Harry, Ate Neah at Helga. Si Ate Neah yung nag-make-up sa kin at nag-ayos ng buhok ko.
Wala akong idea sa date at sa ginagawa run kasi... ang nababasa ko, dinner date lang at yung pagmo-movies. Pero parang masyadong maganda yung damit ko para lang manood ng movie.
Pagdating namin sa school, tumutugtog yung Tenerife Sea. Ang daming tao sa pool area kung saan naka-set-up yung table namin. Yung buong swimmer's club ata present. Kinasabwat daw kasi sila ni Marcus para makapag-set-up sa pool.
Si Marcus ko, naka-poloshirt na may coat. Sinalubong niya ko nang malaking bouquet ng lilies, white roses, at stargazers. Tapos, pinahawak niya ko sa braso niya para lang ihatid sa table.
Dahil marami siyang kinasabwat, may audience kami habang kumakain kahit ang sabi nila, umalis sila. Naririnig namin yung click ng camera nila at yung tawanan habang nagtatago. Lalo na si Kuya Harry na kumakantiyaw kahit bulong lang daw yun.
Kaya nakakataka... kasi alam kong maraming nakatingin pero hindi na ko masyadong nahihiya. Mas nahihirapan akong pakisamahan yung pagtitig sa kin ni Marcus. Saka yung ilang ulit na muntik niyang paghawak sa kamay ko.
Dapat sanay na ko kahit pano... kasi nakailang ulit naman na siyang nagbigay ng flowers. Parang daily dosage - a rose per day everyday. May kasama pang note. Sabi niya, it's to make everyday count... Pero, wala. Parang gaya pa rin ako ng dati pagdating sa kanya. Matutunaw pag tumitig siya. Mamumula pag nagbigay siya ng compliment. Tapos, yung talon ng puso ko talaga, dagundong sa dinig ko.
Hindi ko naman mapigilan na hindi rin tumitig kasi... ang gwapo niya e. At kahit na alam kong pagod siya lagi, nag-effort siya para ihanda yung date.
Ang ganda ng set-up ng dinner namin. Maliit lang yung courted na mesa. May lanterns at flowers sa gitna.
Plate by plate inihain yung pagkain namin. Hindi naman ako masyadong makanguya kasi ang saya-saya ko. Sa sobrang saya ko nga, nabubulol ako. At parang wala nang ibang alam i-process yung utak ko kundi matandaan lahat ng detalye sa paligid. Para hindi ko makalimutan kahit na kailan.
After ng dinner, may inilabas siyang maliit na box. Nasa loob yung letter 'J' na kulang sa kwintas na ibinigay niya sa kin. Pinalitan niya yung pendant from letters E and N into J and M. Tapos, isinuot niya sa kin.
Pwede ko raw palitan yung letters, anytime. Pero mukhang mas masaya siya kung J at M yung pendant na naka-announce.
Hindi pa rin ako makapaniwala na matagal na niyang alam kung sino ako. He has been patient for me. Kasi, these days, ramdam na ramdam ko na parang ang dami niyang gustong gawin kasama ako. Na parang oras lang ang kulang.
Nung suot ko na yung kwintas, ibinigay ko sa kanya yung gift ko kahit nakakahiya. Mukhang na-appreciate naman niya yung gantsilyong sweater. Ang laki ng ngiti niya e.
After ng dinner namin, umalis kami ng school. Sila Kuya Harry na raw bahalang magligpit. Nanood kami ng musical play na Wicked.
Halos 10pm na nung natapos yung play. Nag-stay lang kami sa kotse after. Nag-uusap. I learned na halos planado na niya yung buong sembreak.
Gusto niyang pumunta kami sa Pangasinan para makilala ko si Daddy niya. Group vacation na raw dahil isasama niya ang mga trolls at si Helga. Pupunta rin daw kami sa Mommy niya para maipakilala ako.
Tapos, nung tahimik na lang kami sa kotse, hinawakan ko yung kamay niya.
Tumingin lang siya sa kin pero hindi na nagtanong. Ngumiti lang ako.
I didn't think that it was against the rules to initiate holding his hands. In that particular moment, all I wanted was to feel that we were there together... sitting in silence, inside the darkness of the car, in the middle of the busy parking lot, in the middle of all those lit-up buildings in the metro.
And maybe he was tired, or maybe I was too in awe, or maybe because it felt natural to be near him, we both fell asleep.
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Novela Juvenil(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance