Day 21: Guardian Angel

526 16 1
                                    

Guardian Angel
-----

"Bilis na! Habang nasa klase pa sila..." sabi ni Helga sa 'kin.

Nasa likod na naman kami ng matataas na halaman sa parking, nakatanaw sa kotse ni Marcus. This time, may bitbit akong paperbag na may lamang kulay blue na neck pillow at eye mask.

Para kay Marcus.

Kahapon kasi, isinugod 'yung Dad niya sa ospital. Na-stroke daw. Magdamag siyang nagbantay. Hindi siya pwedeng mag-skip ng class kaya pumasok pa rin siya ngayong araw. At ang sabi niya, matutulog siya sa kotse sa break niya.

E baka mangalay siya sa pagtulog. Kaya no'ng nakita ko 'tong neck pillow kanina sa cabinet ko, dinala ko na lang. Medyo amoy cabinet lang kaya nilagyan ko ng pabango ko. Tapos, nagpadala ako kay Helga ng eye mask. Marami kasing stock si Tita Ludy.

10 AM daw ang break ni Marcus kaya siguradong maya-maya lang, nandito na siya.

"Magte-ten na. Dali na, bestie. Ako magbabantay kung may parating," sabi uli ni Helga.

Huminga ako nang malalim. "Okay."

Bago pa 'ko makapag-isip uli ng mga eksena kung saan mahuhuli ako ni Marcus, tumakbo na 'ko papunta sa kotse niya at iniwan sa ibabaw ng trunk 'yung paperbag.

Ang sakit ng lagapak ng sapatos ko sa concrete dahil sa pagtakbo.

"Grabe. Tense na tense!" sabi ni bestie at tumawa. Kumabit siya sa braso ko. "Good job!"

Noon lang ako nakahinga nang maluwag.

"Tara na. Kanina pa tayo wala sa klase. Lagot tayo kay Prof."

Napahikab ako habang naglalakad kami pabalik. "Oo nga. Tara."

" 'Yan ang antok na gawa ng pag-ibig!"

Bumungisngis lang ako kay Helga. Pag-ibig talaga? Crush ko lang kaya si Marcus.

***
Nag-message agad si Marcus no'ng nakuha niya 'yung neck pillow at eye mask. Nag-thank you siya. Kaya nag-alala ako no'ng puro seen na lang 'yung messages ko no'ng nagpaalala naman ako ng lunch.

Pa'no kung 'di siya nakakain dahil sa sobrang antok? Baka na-oversleep siya sa kotse. Mauubusan siya ng matinong pagkain sa canteen. Tapos, pa'no kung hindi naka-open 'yung bintana niya o pinto? Maso-suffocate siya.

I decided to check on him. Just to make sure na hindi siya mangangalay, maso-suffocate o magugutom.

Busy si Helga sa class activity namin na hindi pa niya tapos at ipapasa sa next class. Kaya wala akong choice kundi ang mag-isang pumunta kay Marcus.

Dahil halos magwa-one o'clock na, dumaan muna ako sa canteen at bumili ng lunch na naka-box. Pininyahang manok na lang 'yung matinong natira kaya 'yun na lang ang binili ko. Next time, I should ask Marcus what he eats and what he doesn't para alam ko ang bibilhin. Sana naman kumakain siya ng pininyahan.

Bitbit ang lunch, I head for the parking.

Malayo pa 'ko, tsinek ko na 'yung pwesto ng kotse ni Marcus. Na dapat pala, kanina ko pa pinuna. Nakahinga ako nang maluwag dahil may mayabong na puno naman na naglililim sa kotse niya. Mainit pa kasi kahit na July na. Bibihira pa umulan. Kung mali ang pwesto niya sa parking, matutusta siya sa init.

Kumakabog na naman nang malakas 'yung puso ko habang palapit. Para na talaga 'kong stalker na nagtatago muna sa mga boxed plants bago umabante. Baka kasi bigla siyang magising o lumabas ng kotse tapos makita ako.

Halimbawang magising siya, maybe I should just give him the boxed lunch as myself. Mag-iimbento na lang ako ng dahilan..?

Ano naman kaya ang pwede kong sabihin?

I could say, nakita ko siyang natutulog at... naisip kong wala pa siyang kain?

Hala. Pero pa'no ko siya makikita sa parking e out of the way 'yung parking sa building namin?

Maybe, I could say na alam kong natutulog siya sa parking at wala pang kain dahil narinig ko kay... kanino? Oh my God, hindi ko pa alam kung naipaalam na niya sa mga trolls 'yung nangyari sa Dad niya!

Lalo akong kinakabahan 'pag ganito. Pwede akong mag-back-out pero pa'no ang lunch niya? Magugutom siya. Puyat na nga, pagod na nga, ngalay na nga, gutom pa siya?

Hindi pwede. Kawawa si Marcus.

Pumikit na lang ako nang mariin at lumakad nang mas mabilis papunta sa kotse. Binilang ko 'yung hakbang ko. Una kong iminulat 'yung kanang mata ko no'ng malapit na 'ko. Wala pa ring tao. Buti na lang.

Iniwan ko 'yung boxed lunch sa trunk ng kotse. Tatalikod na sana 'ko kaso, napansin kong naiinitan ng araw do'n sa trunk 'yung pagkain. Baka mapanis.

Iniiwas ko sa init 'yung box. Tatalilis na sana 'ko kaso, naisip kong i-check na rin si Marcus.

I tiptoed. Pigil na pigil ko 'yung paghinga ko dahil sa kaba.

Medyo bukas 'yung pinto ng kotse niya. Nakababa rin 'yung bintana.

Naglakas-loob akong sumilip.

Nakababa 'yung passenger's seat kung saan natutulog si Marcus. Naka-crossed arms siya. Nakabaling 'yung mukha sa driver's seat. May pawis sa noo dahil sa init. Pero pikit na pikit siya at mukhang hindi agad magigising.

Napalunok ako. Maingat akong humugot ng hininga. Baka kasi marinig niya tapos magising siya. Kinuha ko 'yung panyo ko sa bulsa ng palda ko, pumasok sa kotse at tumukod sa upuan ng driver's seat para maabot siya. Maingat kong dinampian ng panyo 'yung pawis niya sa noo.

Kumibot lang 'yung labi niya pero hindi naman siya nagising.

Hindi ko napigilang mapangiti. Kinagat ko tuloy 'yung lower lip ko para hindi makagawa ng ingay.

'Tulog ka lang, Marcus,' sabi ko sa kanya sa isip ko. Sinamantala ko nang tulog siya para matitigan pa siya.

May eyebags siya sa puyat. Magulo 'yung buhok. Natuon 'yung pansin ko sa lips niya. His cut doesn't look that terrible anymore. Medyo natutuyo na 'yung sugat. Nilalagyan niya siguro ng gamot.

'Good job.'

Nagtagal 'yung mata ko sa lips niya. Pink kasi. Mukhang malambot.

At saka...

Napalunok ako habang nakatitig. Bumibilis 'yung tibok ng puso ko dahil lang sa tinitingnan ko. Naikuyom ko 'yung kamao ko sa pagkakatukod sa driver's seat.

What would it feel like to kiss him?

Para akong nahihipnotismong inilapit pa 'yung mukha ko sa kanya. I was in a range where I could feel his breath.

Kumibot uli 'yung labi niya. Napangiti ako at tumigil sa paglapit. Dinampian ko na lang uli ng panyo 'yung noo niya at umalis sa pagkakatukod. I got out of the car.

Nawawala na 'ko sa matinong pag-iisip. My gosh, nakakahiya! Muntik ko na siyang nakawan ng halik!

Ramdam kong pulang-pula na 'yung mukha ko dahil mainit ang pisngi at tainga ko. Hindi rin humuhupa 'yung bilis ng tibok ng puso ko.

Why would I want to kiss him? Why...

Napatakbo ako nang makarinig ng paggalaw sa loob ng kotse niya. Bago pa bumukas nang maluwang ang pinto, nakapagtago na ko sa malapit na boxed plant.

Sumilip ako.

Nakatayo si Marcus sa tabi ng kotse niya. Nagkukusot ng mata. Kinuha niya 'yung pagkain na iniwan ko at luminga sa paligid.

Lalo kong iniyuko 'yung ulo ko para maikubli ng halaman. He shouldn't see me. Hindi pa 'ko handang mabuko.

Hindi na 'ko makahinga sa pinagtataguan ko.

"En? Are you here?" tawag niya sa kawalan.

I bit my lower lip.

'Please, don't find me. Please, don't find me. Please, don't find me. Please, don't find me. Please...'

Ilang sandali siyang nakatayo sa tagiliran bago bumalik uli sa loob ng kotse. Naghintay pa ako ng ilang sandali uli bago nakayukong tumakbo palayo sa parking. #

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (Published under Flutter Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon