Day 174

37 3 0
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy)

__________08:18 PM

Helga :
Okay ka lang? Kalmado ka na?

Helga :
Sabunutan natin si Karen?

Jenessy :
Hindi na. Wala naman akong choice dun kundi magpasensiya.

Helga :
Magpasensiya e mas matanda siya sayo! Kontrabida siya! (╯°□°)╯︵ ┻━┻

Jenessy :
Wala naman sa edad ang lawak ng pag-iisip. Hayaan na lang.

Jenessy :
Mas nag-aalala ako kay Nanay. First time ko siya nakitang magalit ng ganun at umiyak kanina.

Helga :
Bruha naman kasi yang Karen na yan. Pati si Tatay mo, ang bruho! Excuse me sayo pero nakakairita sila bestie.

Helga :
Ang dami-daming araw na pwede silang bumuhay ng issue laban sayo, bakit ngayong araw pa? Ilang ulit ka nang naihatid ni Marcus dun a! Ngayon lang sila magrereklamo na ang aga mo magpaligaw? May mga brain damage ba sila? Late reaction? Talagang birthday pa natin!

Helga :
Sabi na kasi sayo, dito ka na lang mag-celebrate ng birthday sa bahay. Ang dami-daming handa. Tapos, yung mga pinsan ko lang na Kpopper ang nandito. ლ(ಠ益ಠლ)

Helga :
Hindi ko man lang tuloy na-enjoy.
┻━┻ ︵ヽ('Д')ノ︵ ┻━┻

Jenessy :
Yaan mo na. Akala ko rin, magiging maganda tong araw na to e. Hays.

Jenessy :
First time ni Tatay nag-invite na i-celebrate ang birthday ko e.

Helga :
Celebrate ba yun? Tse! Pinagalitan ka lang!

Helga :
Kawawa naman tuloy si Nanay Helen.

Jenessy :
Naiintindihan ko naman na concern siya sa kin e. Pero yung isisisi nila sa judgement ni Nanay, nakakagalit. Hindi na nga muna ako pupunta run kila Tatay.

Jenessy :
Tapos, akala ni Ate Karen, ipinipilit ko sarili ko sa kanila. Ginawa pang issue yung pagbibigay ng bone marrow dati. Pumayag lang daw ako kasi umaasa akong pamamanahan din ni Tatay.

Helga :
Naku, bruha siya! Siya kunan ko ng bone marrow e! Ang sakit kaya nun! Ngudngud ko rin siya e sa building nila e!

Jenessy :
Hala ka, ngudngod na naman. Na-suspend ka na nga sa school ng ilang araw dahil kay Carmi. ಠ~ಠ

Helga :
Nagsumbong lang kasi si Trish. Kung walang nagsumbong na kinakaliskisan ko si Carmi, walang suspension. Tsh.

Jenessy :
Wag ka na uli mang-away dahil sa kin. Baka magalit na sa kin sila Tita Ludy.

Helga :
Hmp. Oo na! Si Carmi naman nanguna run. Sinusulatan niya yung C.R. ng pangalan mo.

Jenessy :
Basta next time, hayaan mo na lang. O di kaya, picture-an natin, sumbong na lang natin sa Dean.

Helga :
Oo na, boss. Hmp.

Helga :
Anong sabi mo run sa bruha? Nagsalita ka naman, no?

Jenessy :
Kaunti. Umiiyak na kasi si Nanay e. Ayoko nang dumagdag.

Helga :
Sana, sinabi mo na dahil lang kay Ate Paula kaya ka nagpupunta run.

Jenessy :
Sinabi ko naman. Na alam ko, kompleto na pamilya nila kaya hindi ko kailangang ipilit sarili ko. Panay nga sorry sa kin kanina ni Ate P.

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon