Day 23.1

37.1K 1.2K 211
                                    

(Text messages. Helga and Jenessy.)

______________

11:18 AM

Jenessy :
Psst!!! Anong oras tayo aalis mamaya???!!!

Helga :
Excited? Hahahaha. 3PM pa!

Jenessy :
Hindi naman masyado! Marami pa kasi akong gagawin. Wala si Nanay ngayon. Ako lang kikilos sa bahay at sa tindahan!

Helga :
Ay, oo nga pala. Haha.

Helga :
Anong dadalhin mo mamaya? Bawal magdala ng kama!!! Hindi kasya sa kotse! Haha. (-^〇^-)

Jenessy :
Haha! Kama???!!!
-___-

Jenessy :
Wala akong dadalhing kama!
Hmp to.

Helga :
Baka kasi sa tindi ng awa mo kay Marcus (na crush mo lang), dalhin mo yung kama mo para sa kanya e. Hahahahaha!!!

Helga:
Kasi, kawawa naman siya!
Hahaha. :D

Jenessy :
Hindi no! Manipis na kama ko! Kutson pa ng kama mo, pwede! Hahaha! \(^o^)/

Helga :
Ayiii... Ang tindi ng pag-ibig a!

Helga :
Titiisin mo kong matulog ng walang kama para lang sa kanya?!

Jenessy :
Hala, hala!
Sineryoso mo?

Helga :
Siyempre, hindi! Haha. :D

Helga :
Nakakatuwa lang!
Ang saya-saya mo na ngayon!
(ಥ﹏ಥ)

Helga:
Di bale nang puyat at pagod!
Basta para kay Marcus (na crush mo lang), ang dami mo pa ring energy!!!
Hahahahaha!

Jenessy :
Capslock mo na kaya?!
Point na point e!
-___-

Helga :
Hahahaha!

Helga :
Basta para kay Marcus (NA CRUSH MO LANG TALAGA, NANINIWALA AKO), sobra-sobra ang energy mo.

Helga :
Iba kasi talaga pag CRUSH MO LANG!!!

Helga :
Hahahaha!!!

Jenessy :
E kasi naman...
Kawawa naman siya e...

Helga :
Alam ko! Ilang beses mo nang sinabi. Hahahaha.

Helga :
Tapos mamaya, pagdating sa ospital, magtatago ka naman sa likod ko?

Helga :
Hahahahahahaha.

Helga :
Dahil CRUSH MO LANG, hindi ka na naka-move on sa nerbyos!

Helga :
Hahahahahaha!!!

Jenessy :
Sige lang. Apihin mo pa ko!!!
╥﹏╥

Jenessy :
Kapag naman ikaw kay Ashton, hindi naman ako nang-aapi!
(T___T)

Helga :
Haha. Sige na. Hindi na!

Helga :
Pero seryoso! Wag kang magtatago sa likod ko gaya ng ginawa mo nung simba!

Helga :
Lalo kang mahahalata...
na CRUSH MO LANG SIYA!
(*≧▽≦)

Jenessy :
E kasi... feeling ko, mabubuko ako e. Baka makilala ako.

Helga :
Haha! Hindi yun.

Helga :
Maingat ka naman makipag-chat di ba?

Jenessy :
Hindi ako sigurado...
Di naman ako nagkukunwaring ibang tao e.
╥﹏╥

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon