Day 53.4

27.6K 816 71
                                    

MON AT 06:26 PM

Helga : Pst! Nakauwi ka na?

Jenessy : Oo. Kanina pa. Ikaw?

Helga : Kakauwi pa lang.

Helga : Tsk. Ang weird mo a! Bakit umuna ka pa ng uwi? Sinabi ko na nga sayong dadaan sila Kuya at Marcus!

Helga : Hinanap ka nga sa kin.

Jenessy : Hinanap ako ni Marcus?

Helga : Hindi. Si Kuya ang nagtanong. Alam mo naman yun. Alam nun na magkasama tayo lagi.

Jenessy : A... Kasama nila si Ash at Jeric?

Helga : Siyempre!

Helga : Bakit?

Jenessy : Wala naman. Nahihiya lang kasi ako.

Helga : Tama na rin siguro yun na wala ka run. Kasi awkward yun. Dahil di ba, di ka sinipot ni Marcus sa confession mo?

Jenessy : Oo nga.

Helga : Nag-reply ka na sa message niya sayo?

Jenessy : E... Hindi pa nga e. Ang complicated na kasi e.

Jenessy : Okay na kami sa bago kong account. Pero ang weird nang kausapin uli siya sa tunay kong account.

Jenessy : Gets mo ba ko, bestie?

Jenessy : Huhuhu..
(╥╯θ╰╥)

Jenessy : Kung alin pa yung tunay kong account, dun pa ko nahihirapan makipag-usap sa kanya.

Helga : Tsk. Gets ko naman.

Helga : Kasi e... Complicated na rin talaga.

Helga : Sa Friday, hopefully, okay na lahat kapag nagharap kayo.

Jenessy : Kaya nga e...

Helga : Yiii... Magkaka-boyfriend ka na sa Friday!!! Hahahahaha! \(^o^)/

Jenessy : Hala! Hindi naman ganun yun!

Helga : Hala, hala! Ang obvious na kaya!

Helga : Mahal mo siya. Baliw siya sayo. E di relasyon na yan! Hahahahaha!

Jenessy : Hala...

Helga : Hmp. Buti ka pa nga, blooming ang lovelife! E kami ni Ash... ( ̄^ ̄゜)

Helga : Puro takutan. Away-bati. -__-

Jenessy : E... kahit na. Hindi naman relasyon agad yun. Mag-uusap lang kami. Magpapakilala ako... ganun.

Helga : Oo nga! Sasabihin mo lang na ikaw si En. At sasabihin niya sayong mahal niya si En. Which means... mahal ka niya!

Helga : Which means...

Helga : Yiii... #HappinessOverload

Jenessy : Hala! Wag ganyan! Kinakabahan ako lalo...

Helga : Kaba na naman?! Dapat nga, mas matapang ka na ngayon!

Helga : Imagine, isang message mo lang sa kanya gamit yung weird na name, wagas ang sagot sayo! Hahaha!

Helga : Parang hindi nanakaw yung account mo!

Helga : Buti nga run sa impostor!!! Grrr... Tauban ko siya ng mesa e.
(╯°□°)╯︵ ┻━┻

Jenessy : Wala na naman ngayon yung dati kong account e. Deactivated na.

Helga : Mabuti naman! Dahil kapag nalaman ko kung sino siya, kalbo siya sa kin!!!

Jenessy : Hayaan mo na yun. Sabi naman ni Marcus, sasabihin niya rin sa kin kapag magkaharap na kami.

Jenessy : Baka... complicated din.

Helga : Tsk. Kayo na ang laging complicated pero tuloy-tuloy ang ligaya!

Jenessy : Hehe. (>///<)

Helga : Ang saya talaga, aba! Ganyan dapat!

Helga : Yiii... Nakakapagpa-confident talaga ma-in love! Hahahaha!

Jenessy : Haha. Oo nga e. Si Marcus kasi e... (>///<)

Helga : Hahahahaha!

Helga : Hmp. Nakaka-bitter na talaga! Haha.

Jenessy : Ay, bestie, seven na. Sa text na lang tayo magdaldalan.

Helga : Ha? Bakit?

Jenessy : E kasi... may inuutos si Nanay, kailangan ko nang mag-out.

Helga : A... okay. Gagawa na rin muna ako ng assignment natin.

Jenessy : Okay. Maya uli!

Helga : Hmp. Maya? E Marcus-time na...

Helga : Hindi mo na naman ako babalikan. (¯―¯٥)

Helga : Hahahahaha!

Jenessy : Haha. Hayaan mo na! Susuportahan din naman kita kay Ash! ⊂(^・^)⊃

Helga : Hmp. Okay, sige na. :3

Jenessy : (∩_∩)

Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon