(Text messages. Helga and Jenessy)
Helga :
Pssssssttttt!!! Hindi ka pa tapos diyan sa Dean's office? Ang tagal mo. -__-Jenessy :
Hindi pa e.Jenessy :
Hala! Bakit hindi ka pa umuuwi? Sabi ko, hindi ako sasabay.Helga :
Pinaghihintay ko si Manong sa parking. Sabi ko, pupunta tayo sa 40 days ng Mommy ni Marcus.Jenessy :
Hala!!! Bakit tyao pupunta???Helga :
Hala! Bakit ayaw mo? (¯―¯٥)Jenessy :
E kasi... Baka mabosesan na ko ni Marcus pag nag-uspa uli kami.Jenessy :
Kaya nga naki-meeting ako ngayon sa Arts Club para wala ako sa bahay pagkuha niya nung orders niya e. Nag-text na nga na galing na raw siya sa min.Helga :
Hala! Bakit? Nag-voice message ka uli?Helga :
(╯°□°)╯︵ ┻━┻Helga :
Mabobosesan ka na talaga nun kung puro ka voice message!!!Helga :
Saka, kayo na ba para magsend ka nang magsend? E ayaw mo pa nga sabi mong magpakilala? -___-Jenessy :
Huhuhu. Wag mo na kong pagalitan!!!
(T ^ T)Jenessy:
E hindi ko kasi siya mahindian... Nung nakaraan, malungkot siya. Tapos ngayong araw naman, 40 days ng Mommy niya. Siyempre, emotional tong araw na to sa kanya... (╥╯θ╰╥)Helga :
Sa barangay ka magpaliwanag! (ಠ ಠ)Jenessy :
Huhuhu. Sungit!!! (><)Helga :
Hahahahaha! E kasi!!! Kailangan nating pumunta run, mabuking ka man! Nandun si Jorge! Lalandiin nun si Ash!Jenessy :
E? Anong ginagawa ni Jorgina run?Helga :
E di manglalandi nga!!!
(╯°□°)╯︵ ┻━┻Helga :
Nandun din si Laurice, Pamela at Candice!!! Kumpleto ang mga bruha, hindi naman Araw ng Patay!!! (¯―¯٥)Jenessy :
Hala!!!Helga :
Kaya pupunta tayo! Sige ka! Baka samantalahin nun ni Landi yung emotional weakness ngayon ni Marcus!Helga :
Tapos, magkakabalikan sila.Helga :
Tapos, hindi ka na niya papansinin.Helga :
Tapos, mauudlot ang lovelife ko.Helga :
Lovelife mo pala. (¯―¯٥)Jenessy :
Pano pag nakilala niya ko?Helga :
E di happy! Umamin ka na! Tapos, may forever ka na! Bwahahahahaha!!!Helga :
At babantayan ko si Ash! Baka makuha ng bruhang si Jorge. Parehas pa naman sila malandi! (¯―¯٥)Jenessy :
Haha! Selos ka na agad e no?Helga :
Oo na! Ikaw na secured kaya hindi ka nagseselos. ( ̄^ ̄゜)Jenessy :
Hindi naman e...Jenessy :
Susuportahan kita magbakod. Wait lang.Jenessy :
Daldal pa kasi ni Dean.Helga :
Ano ba pinag-uusapan diyan?Jenessy :
Yung acquiantance party next week.Helga :
Ah! Importante nga yan. Haha!Helga :
Basta, hihintayin kita a!Jenessy :
Oo! Bumili tayong flowers a. Na-release na yung allowance ko sa scholarship. May sobra pa ko run. :3Helga :
Bibili rin naman ako. Wag mo nang gastusin yung budget mo. Hmp.Jenessy :
E kasi... ayoko namang makihingi na naman sayo.Helga :
Sus! Tulungan mo lang akong ibaon ng buhay si Jorge, bayad ka na sa lahat ng pabor mula sa lifetime na to and beyond. Bwahahahaha!Jenessy :
Hahahahaha! #BaliwNaSiHelgaHelga :
Wag ka nang ano diyan. Basta tipirin mo allowance mo. Ako na muna bahala. :3Jenessy :
Gagawin ko na lang yung term paper mo.Helga :
Ayoko nga! :PJenessy :
Tuturuan na lang kitang magluto nung Shepherd's pie na paborito ni Ash.Helga :
Yan! Bet yan!!! Yiii...Helga :
Bili tayong ingredients bukas!!! Yiii....Jenessy :
Hahahaha! Sige. :)Jenessy :
Wait na lang. Patapos na siguro to si Dean. ^__^Helga :
Bilisan mo! Mabangis ang kalandian nung mga bruha!Helga :
Wag ka na muna maki-brainstorm ng mga bongga mong idea. (¯―¯٥)Jenessy :
Oo na. Hindi. Haha.Helga :
BILISAN MO!!!!
BINABASA MO ANG
Invisible Girl (Chat MD Series #1) (TO BE PUBLISHED)
Teen Fiction(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance