CHAPTER 28

92 4 7
                                    

JADE's POINT OF VIEW.

Saktong tapos na sila sa pakikipagbakbakan este pakikipag bugbugan, mabilis akong bumaba sa puno at tumakbo papunta sa gate ng F.S.U buti nalang at katapat nalang nito yung school.

Pagkadaan ko sa gate, binati naman ako ni manong guard.

"Good morning ma'am Yuna." bati nito sakin

"Good morning din po, pag may pumasok po dito na dalawang tao tapos tinanong ako, sabihin nyo po nauna na ako pumasok. Salamat po!" sabi ko sabay takbo papunta sa building namin.

Mahirap na, baka maabutan nila ako edi baka mas lalong magagalit yung dalawa.

Pagkatungtong ko sa building namin, huminto na ako sa pagtakbo at umakyat na sa hagdan.

Nakakapagod, napangiwi nanaman ako nang biglang sumakit yung ngipin ko. Kainis bumalik nanaman yung sakit ng ngipin ko, kala ko okay na.

Nakahawak ang kanang kamay ko sa kabilang pisngi ko, habang umaakyat ako. Napahinto ako saglit nang makasalubong ko si Callum.

Hala si sakuragi! char. Babatiin ko sana sya kaso, parang hindi naman nya ako napansin, o hindi nya talaga ako pinapansin?

"Tsk, kala mo kung sinong pogi. Kamukha naman ni sakuragi." bulong ko, at nagpatuloy na sa pag akyat.

Pagpihit ko palang sa doorknob, rinig ko na mga boses nila sa loob. Pagkabukas ko ay, madami dami na sila, mukhang yung dalawa nalang tsaka si Callum ang kulang, kasi halos lahat nandito na.

"Nasan sila Dylan tsaka si Ethan?" tanong sakin ni Aki at lumapit sa akin.

"Hindi pa nga ako nakakaupo, pwedeng paupuin mo muna ako?" masungit kong sabi, pasyensya na sakanya. Wala e masakit ang ngipin ko kaya na bad mood bigla.

"Ang sungit mo naman." ani nito sabay walk out. Napatawa naman ako, dinaig pa babae kung mag walk out.

Since umaga pa naman, 6:50 palang dumukdok muna ako sa desk ko.

MARK EVAN'S POINT OF VIEW.

Biglang bumukas yung pinto kaya napalingon kaming lahat. Si Yuna pala, ang mortal kong kaaway.

Napansin kong nakahawak ito sa pisngi n'ya, at yung mukha nya, kakaiba mukhang mataray. Lumapit naman sakanya si Akihiro, at tinanong s'ya.

Masungit naman syang sinagot ni Yuna, tapos ayun, bigla nalang nag walk out si akihiro pagkatapos syang sungitan ni Yuna. Natawa naman kaming magkakatabi sa row.

"Pansin ko lang, namumutla sya, napansin nyo din ba?" tanong ni Calix.

"Hindi, paki alam ko dyan." singit ko naman, binatukan naman ako ng magaling kong pinsan.

"Ayos nang sagot mo pre, nakakapanginig ng laman." sabi ni Calix, natawa naman ako.

"Joke lang pre, hindi ka naman mabiro halika dito kiss kita para hindi kana magalit." sabi ko at niyakap sya, agad naman n'ya akong tinulak ng mahina.

"Mag hunos dili ka, hindi tayo talo pre. Nakainom kana ba ng gamot? yan ka nanaman sa kabaliwan mo." tumawa naman ang mga kasama ko sa sinabi ni Calix.

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now