JADE's POINT OF VIEW.
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina at naghanda ng mga ingredients para sa lulutuin ko. Kanina habang pauwi ako sa bahay, bigla akong nag crave sa adobong manok, kaya naisipan kong magluto ngayon.
"Ma'am? ako nalang po ang magluluto, baka mas lalo po kayong mapagod." napalingon ako sa likod ko nang magsalita ang isa sa mga maid namin.
"Naku ate, ako nalang po. Mabilis lang naman po ito e tsaka ayos lang po kaya kopa naman." ngumiti ako sakanya at pinag patuloy ang ginagawa.
"Ah sige po ma'am." buti naman at sumunod agad si ate, at hindi na nagpumilit.
After a couple minutes, natapos din ako sa pagluluto, kumuha na ako ng isang plato at kutsara't tinidor. Nag umpisa na akong kumain.
FEW MINUTES LATER
Habang nakahilata ako sa sofa, dumating naman ang mga kuya ko.
"Half day lang kayo?" tanong ni kuya Hoon sabay upo sa tabi ko, umayos naman ako ng upo.
"Mhmm, may mga meeting daw lahat ng mga teachers e. Ikaw kuya Woo? ba't ngayon kalang?" tumaas ang kilay nya sakin, sabay irap.
Kung hindi ko lang s'ya kilala, baka isipin kong bakla sya, hehe.
"Alam mo naman yan, nambababae kapag may free time." pang aasar ni kuya wei kay kuya woo.
Natawa naman kaming tatlo, sya naman ay sumimangot lang.
"Ah nga pala kuya kumain naba kayo ng lunch? meron don sa kitchen na adobo, ako mismo nagluto." sabi ko kay kuya, si kuya woo naman ay dali-daling nagpunta sa kusina. Sumunod nadin si kuya wei.
"Aba himala lil sis, nagluto ka?" namamangha na sabi ni kuya Hoon.
"Bigla akong nag crave e, kaya ayon napaluto ng wala sa oras. Sige na kuya bilisan mo baka maubusan kapa nung dalawa." saad ko naman, s'ya naman ay mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa kusina.
Ngayong nandito na sila, umakyat na ako papunta sa kwarto ko para magpahinga. Grabe ang nangyari kanina, hindi kinaya ng katawan ko kaya kailangan ko muna nang pahinga.
THE NEXT DAY
Pagkagising ko palang, sumakit bigla yung ngipin ko, mangiyak-ngiyak tuloy ako habang kumakain.
"Ano ba kasi nakain mo? hindi ka naman sasakitan ng ngipin kung wala kang kinain." tanong ni kuya wei sakin habang chinicheck ang ngipin ko.
"Wala nga kuya, yung kahapon lang ng tanghali yung nakain ko, yung adobo." saad ko, tumigil na ako sa pag kain at tumayo na.
"Saan ka naman pupunta?" bago ako maka akyat sa hagdan ay nagtanong si kuya hoon.
"Sa school po, papasok na." tipid kong sabi, aakyat na ulit sana ako kaso nag tanong ulit s'ya.
"Masakit ang ngipin mo, talaga bang papasok ka? baka mas lalong lumalala 'yan pag hindi naagapan. Alam mo naman kapag nagkakasakit ka diba?" napabuntong hininga muna ako bago humarap sakanila.
"Kuya, I can handle this. Ngipin lang po ito malayo naman sa bituka, akyat napo ako." bagot kong sabi at nagmadali nang umakyat.
Pagkapasok ko sa kwarto, dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba na. Hindi ko na sila nakita sa kusina kaya hindi na ako nagpaalam pa, at lumabas na.
Habang naglalakad ako, may sasakyan namang huminto sa harap ko.
Binaba nito ang windshield, mukha ni dylan at ethan agad ang nakita ko.
YOU ARE READING
She's the only girl in section D
Romans"Who are you? bakit nandito ka sa section namin?" tanong ng lalaki sakin‚ hindi ako umimik at nanatiling nakayuko. "Bawal ang babae dito! umalis kana" "Oo nga" "Hindi sya pwede dito prof‚ paalisin nyo nayan" "TIGIL!" pagkatapos sabihin ng lalaking m...