l 2nd year high school l
Nathaniel Herrera
"Hay, Nathe, ang ganda mo. Pwede mo nang palitan ang rainbow sa sky." mahina kong bulong sa harap ng salamin. Naalala ko 'yung fairytale na pinanood ng pinsan ko kahapon. Inalala ko 'yung line na binitiwan ng witch slash antagonist doon, pinaraphrase ko 'yon saka rinecite. "Salamin, salamin, huwag mahiya sa akin, ipakita sa harap ko ngayon ang lalaki aking iibi--"
Napahinto ako at napapikit frustratedly nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at mula doon ay lumitaw ang napakabait at napakahinahon kong kaibigan na si Caile.
"Leche, Nathe." napangiwi ako sa napakalambot niyang boses "Kaya pala ang tagal mo. Humiwalay ka ngayon sa salamin o panghabang buhay ka nang madidikit dyan!" walang bahid ng pagbabanta niyang ani.
Mukha sa reflection ng salamin kung saan ko siya nakikita ngayon ay sinalubong ko ang masama niyang tingin. Tignan mo, ang ganda ng mata, nakakahalina... sarap sundutin.
Pwe! Ang totoo si Caile ang pinakamasungit sa'ming magkakaibigan. Madalas pa sa minsan na ilag kami sa kanya.
"Ginagawa mo dyan, prend? Bukod syempre sa nakatayo?"
Tinaasan niya ako ng isang kilay, isang bagay na ayaw na ayaw kong nakikita sa kanya. Sa'min kasing lima, si Caile lang ang may pinakaperpek na kilay.
Ayon, nakakainggit.
"Kanina nandito ako para sitahin ka dahil ang tagal mo pero ngayon may iba na akong agenda... ang kalbuhin ka." seryoso niyang sagot, alam kong nagbibiro lang siya pero wala sa loob na napahawak pa rin ako sa buhok ko para protektahan iyon.
"Kriminal ka."
***
"Don't fucking joke around, Caile." hindi makapaniwalang usal ni Milliano.
Caile bore his eyes on him.
"Kailan ba ako natutong magjoke?"
"Don't tell us na gagawin mo 'to dahil kay Andy?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Nikko.
Nanahimik kami ni Joshua sa tabi. Sabay sabay kaming naglalakad ngayon papuntang Newton building. Second periodical test namin ngayon at sa Newton building kami nakaschedule na magroom.
Nababaliw na si Caile. Aba naman kasi, ibabagsak daw niya lahat ng test mula hanggang sa 4th periodical para lang malipat sya sa Newton next school year. Nakakabaliw sya at nakakahawa iyon! Aba naman kasi! Sasayangin niya 'yung slot niya sa Einstein para lang sa isang lalaki. Matino sya pero nasisiraan siya kapag si Andy na ang pinag-uusapan.
Para lang kasi sa kaalaman ng iba, mga Einstein students kami na napadpad dito sa gusali ng Newton dahil dito kami naassign na magroom.
"Ano, Caile? Bakit hindi ka sumagot?" tanong uli ni Nikko nang hindi na magsalita si Caile.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at bilang mga sunod-sunurang nilalang, napatigil din kami.
"Sabi mo 'wag kong sabihing gagawin ko 'to para kay Andy. Anong sagot ang inaasahan mo sa'kin ngayon?"
Natanga kaming lahat.
"Nga pala, hindi ako makakatagal kung mag isa lang akong malilipat. Make sure na gumawa rin kayo ng paraan para malipat din kayo Newton."
Inosente ang mukhang iniwan niya kami pagkasabi na pagkasabi no'n. Naiwan kaming mga nagtitinginan habang nakabagsak ang panga.
***
Kakatapos lang ng unang set ng exam at binigyan kami ng 20 minutes break. Kamalas-malasang magkakahiwalay kami ng room ng mga kaibigan ko kaya solo flight ako sa paghahanap sa lintek na cafeteria dito sa Newton. Unang beses kong makapasok sa building na 'to dahil may golden rule na sinusunod ang school at students.
Einstein students are not allowed to enter Newton's premises without a valid reason and the same applies to Newton students, they can't enter our building without any valid reason.
Lufet, ano?
Huling beses, nasa'n ang cafeteria?
Sa kakaikot ko sa malawak na lobby ng building na 'to, nahilo ako. Sa haba ng nilakad ko, isa lang ang napala ko... gutom.
Nang lumipas ang sampung minuto na wala naman akong napapala, napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa room.
Umikot ako at naglakad paakyat ng hagdan pero hindi pa man ako nakakalayo ay may nilalang na biglang humawak sa braso ko. Automatic na napalingon ako...
Lumingon ako para lang biglang maghallucinate na may anghel sa harap ko at nakangiti ng malaki sa'kin.
Ganito na ba ako kagutom para paglaruan ako ng paningin ko ngayon?
"Nahulog mo."
Nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Pakiramdam ko biglang nawala ang mga estudyante sa paligid at tanging siya lang ang natira sa paningin ko.
Itong anghel na 'to... kukunin na ba niya ang kaluluwa ko? Mamamatay na ba ako?
Pero ano namang ikakamatay ko?
Napatitig ako sa kamay niya, sunod sa mukha niya.
Alam ko na kung anong maaaring ikamatay ko...
Nahulog ako... sa anghel na nasa harap ko ngayon.
_____________
Nathaniel "Nathe" Herrera
BINABASA MO ANG
He's Mine
Teen FictionComplete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.