Ch. 11: Stalker...s

263 15 1
                                    


Nathaniel Herrera


I didn't believe at first. Baka haka haka lang.

I fooled myself. Baka tsismis lang.

I blamed Milliano. Baka kasi inaaway niya si Nathalie kaya gumaganti si Nathalie.

I looked for Ishii. Icoconfirm ko lang sa kanya.


Two freaking days passed. Dalawang araw na ang tahimik ng mga tao. Dalawang araw na parang tanga ang mga Newton students na nililingon ako kapag napapadaan ako. They maybe silently laughing at me... at us, ako at si Ishii.


Dalawang araw na rin akong clueless. Gusto kong malaman kung paanong naging sila. Kung paanong nagligawan sila. Mga ganong tanong.


Kaya on the third day, ako na ang umisip ng paraan. Sinimulan ko iyon noong uwian. Mabilis akong tumambay sa may hagdan malapit sa room nina Rainbow, good thing at mas naunang magpalabas ang teacher namin kesa sa teacher nilang nag-over time pa ata. Tinalasan ko ang mata ko nang magsimula nang maglabasan ang students sa section nila, halos sabay sabay ang labas nila kaya kung hindi ko tatalasan ang paningin ko, baka hindi ko mapansin si Rainbow.


And there he is, kasabay ang mga kaibigan niyang lumabas, nagtutulakan pa. Mabilis akong kumilos nang maglakad sila patalikod sa gawi ko. Imbis na bumaba ay dumiretso sila sa room ng section C, ang kampo ni Nathalie.


Napabuntong hininga ako. Dito palang, confirmed na.


Ngiting-ngiti si Rainbow habang sinisilip ang room ng babae, maya-maya pa lumabas na si Nathalie.


In a snap, naging malandi ang tingin ko sa kanya. Kung hindi ba naman eh ba't iba ang boyfriend niya sa fiance niya? Boyfriend niya ang mahal ko tapos fiance niya ang kaibigan ko. Ewan ko kung paboran ko pa 'to para kay Millie sa oras na sa kaibigan ko pa rin siya bumagsak.


Pero sinisisi ko rin si Milliano. 'Yong taong 'yon, sana pinakisamahan pa rin niya si Nathalie ng maayos kahit arranged ang engagement nila, edi sana hindi na nanlandi ng iba 'to.


Sinundan ko sila kahit nang bumaba sila sa lobby at dumiretso sa car park. Sumakay sila sa kotse nina Rainbow, syempre may driver sila. Mabilis kong hinanap ang sundo ko.


Pack and sheet, wala pa si manong!


Mabilis kong iginala ang paningin. By all mean, kailangan kong masundan sina Rainbow.


Sa paglingon ko sa kanan, nakita ko si Caile na papalapit sa kotse nila. Hawak-hawak niya ang susi kaya malamang na wala siyang driver ngayon, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya, napaatras pa siya sa gulat nang bigla akong sumulpot sa harap niya.


"Heck, N-Nathe!"


Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang kinuha ang susi na hawak niya habang nakatingin ng diretso sa mata niya.


"Please understand my situation, prend. Pahiram muna." kasabay no'n ang pagtakbo ko palapit sa kotse niya. Mabilis akong sumakay doon at isinara iyon at ni hindi nakakilos si Caile mula sa pwesto niya.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon