Ch. 34: Practice

361 13 0
                                    


Mishiela Salvador


Hello, February first! Dumating ka na naman, lalabas na naman ang mga bitter at magkukulang na naman ang mga numero sa kalendaryo, mawawala ang 14.


Ordinary day. Papasok ng maaga para hindi malate sa first class. Makikinig sa teacher. Magsusulat kapag may pinapasulat. Sasabay sa grupo ni Nathe kapag lunch pero si Ria lang naman ang kakwentuhan ko roon. Actually, dahil kay Ria kaya ako napapasama sa kanila, hindi dahil kay Nathe. Lagi kasi akong hinihila ni Ria para naman daw may makausap siyang babae sa grupo ni Nathe.


Naghihintay nalang kaming magbell sign na patapos na ang lunch break. Nilalaro ko ang buhok ko habang nakatingin sa hallway nang biglang may kumatok sa pinto ng classroom, nakuha no'n ang atensyon ng lahat.


"Excuse me, seniors of section B, announcement." nabaling ang atensyon ng lahat sa harap. "3rd year and 4th-year assembly at the multi-purpose hall after lunch break. Pairing for JS prom."


Agad na nagkaroon ng commotion sa room. Natutuwa ang mga babae kasi syempre excited sa prom, natuwa naman ang mga lalaki kasi syempre, excuse kami sa afternoon class. Nakangiting nakatingin lang ako sa gumulong classroom. Naeexcite rin ako pero hindi gano'n masyado.


Nagsibabaan kami matapos tumunog ng bell, may kasabayan kaming ibang year and section pero ang section nina Nathe hindi ko nakita. 


Loner ako. Oo matagal na, pero ngayon ko lang talagang ramdam. Kasi habang pababa, nagkikwentuhan ang mga may grupo sa room, samantalang ako mag-isa. Mas naramdaman ko pang mag-isa na lang talaga ako noong magresume na ang class after new year at hindi na pumasok si Aimee. Hindi ko alam ang reason. Tinatadtad ko siya ng tanong sa FB at tweet sa twitter pero walang reply. Hanggang nitong nakaraan lang, nagdeactivate na siya ng social media accounts niya. 


Sa hall ay pinaayos kami ng pabilog, para lang kaming maglalaro ng bilog-bilugan. Malaking malaking bilog ang na-form namin dahil na rin sa rami namin, kasama pa ang 3rd and 4th year ng Einstein eh. Sa gitna ng circle ay tumayo ang mga advisers na naka-assign sa promenade. 


"Attention everyone. We'll gonna divide you into two groups, one group for cotillion and the other for rigodon. Hindi pa ngayon ang simula ng practice pero ngayon na ang pairing. Ang mga couples, please step backward." may mangilan-ngilang nagbackward. Iyon mga natira, sila nalang ang hahanapan ng partners. 


Nagstart na magroll call, isa-isa na ring ina-announce kung sino ang makakapartner ng bawat isa. Ang nakakaexcite dito ay, pwedeng classmate mo lang ang makapartner mo, pwedeng hindi, pwedeng taga ibang section, or pwedeng taga kabilang building.


"Mari Althea Dumaraog of IV-C Newton and Renz Milliano Canzes of IV-A Newton" kulang nalang ay pumapalpak ang tainga ko dahil doon. Hindi ko maaninag kung nasaan silang pareho kaya hindi ko makita ang reaksyon nila lalo na ni Ria. Nagpatuloy ang pagpi-pair. May ilang nagrereklamo sa mga nakapartner nila pero wala naman silang nagagawa para mapalitan iyon. Sabay na tumayo si Ria at Millie saka pumunta sa gilid.


"Rainbow Almeda of IV-D Newton and Nathalie de Vera of IV-C Newton." napalingon sa'kin ang ilang katabi ko. Kailangan kong magreact.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon