Mishiela Salvador
Iniwan ko na si Nathe. Naalala kong kailangan ko pang balikan si manong driver namin sa school. Hindi siya makakauwing mag-isa, wala namang perang dala si manong saka ang layo-layo ng bahay namin. Saka kahit makauwi siya, pababalikin lang siya ni mom sa Thelistine kasi hindi niya ako kasama.
Kawawa naman si Manong.
Sa harap ng main gate ako tumigil dahil doon ko natanaw si Manong na kausap si manong guard at isa pang manong na hindi ko kilala kung sino. Mabilis akong bumaba at tatlo silang nagsilingon sa'kin. Lumapit agad sa'kin si Manong at naglitanya pero hindi ko na iyon naintindihan dahil ang atensyon ko nasa sasakyang tumigil sa likod ng sasakyan namin.
Si Nathe.
Mabilis siyang nilapitan ng isa pang manong na kausap nina Manong. Mula naman sa dilim ay biglang sumulpot si Caile. Masamang-masama ang tingin niya kay Nathe.
"Misella, umuwi na tayo. Nakauwi na ang dadi mo malamang, ako na naman ang lagot nito." he often mispronounce my name.
Nauna siyang pumasok sa sasakyan at sumunod ako without giving Caile and Nathe a second look.
Sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama. Nag-explain naman agad ako sa kanya bago pa man niya mapagalitan si Manong. Of course it's my fault kung bakit ginabi na kami ng uwi so it is my responsibility to explain.
"Kailan mo ipapakilala sa'min 'tong Rainbow, baby?" tanong ni mom while we are having our dinner.
Ayoko na sanang kumain kasi kumain na kami ni Nathe pero hindi naman sila papayag na hindi ako kakain uli.
"Kapag magiging manugang niyo na siya." I jokingly answered.
"Too young, Ishii."
"Joke lang 'yon."
"So when nga?"
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko naman kasi alam kung kailan. If I can only drag Rainbow here just for my parents to met him, then probably I'd do it. Pero baka sa gate palang ng Thelistine hindi na kami makarating, syempre maraming hahadlang. Isa na si Nathe.
"Eh itong Nathe, kailan namin makikita, kahit picture lang?" tanong naman ni dad.
"Dad?" mangha kong tanong. "I don't have any plans. Saka, bakit ko naman ipapakilala?"
"You said he's your enemy. Don't people tend to make their enemies closer?"
"Nah-ah. Ayoko."
Nagkibit-balikat na lang si dad. Nauna rin siyang matapos kumain kaya nauna na siyang tumayo, he's busy eh. Kami ni mom ang naiwan sa lamesa. Pinasabay na rin niya sa'min ang ibang maids para makakain na sila.
BINABASA MO ANG
He's Mine
Teen FictionComplete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.