Ch. 22: Friendship Over

201 13 1
                                    


Mishiela Salvador


All of the sudden ay na-conscious ako pero hindi ako kumawala sa akbay ni Rainbow. Siya ang naglagay, siya rin ang mag-alis.


Si Josh ang unang nakabawi. Mula sa pagbraso ni Rain na nasa balikat ko ay ibinaling niya ang paningin sa'kin.


"Oh. Hi, Ishii. Kanina lang magkasama tayo pero hello na lang din uli. Hehehe." he awkwardly faced Rainbow. "Hi, Rainbow."


"Hello, Josh. Hi, Nathe." bati ni Rainbow sa dalawa.


Napapitlag si Nathe saka tumingin kay Rainbow at tumango sa pagbati nito.


Parang gusto kong kumurap-kurap. Si Nathe tumango lang nang batiin siya ni Rainbow? Hindi ngumiti? Hindi nag greet back?


Tumango lang?


"We gotta go." paalam ni Rainbow saka namin sila nilampasan.


Napasulyap pa ako sandali kay Nathe nang daanan namin sila pero diretso lang ang tingin niya, halos hindi ko na mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

***

The next day. Nakasabay ko si Nathe papasok ng lobby, magkasunod kaming nagswipe ng ID sa scanner, pero hindi kami nagpansinan.


Uwian nang araw ding 'yon, nagkasalubong kami sa hagdan, nakita niya ako, nakita ko siya. Pero siya ang unang nagbawi ng tingin saka ako nilampasan.


Medyo na-offend ako sa hindi ko malamang reason. Pero binalewala ko na lang. That night, nagchat si Rainbow sa'kin... kinda, sort of. Ang totoo kasi, nagreply lang siya sa message ko sa kanya almost a year ago. Nagulat akong nareply-an pa niya iyon pero nagreply na lang din ako. And that night, unang beses kong matulog ng 1am.

***

Pumunta ako sa library para tapusin ang essay na pinagawa sa'kin ng adviser namin dahil sa na-late ako kanina sa first class. It's all about time management. Seryoso? Time management agad eh ngayon pa lang naman ako nalate sa klase simula nang tumuntong ako sa Thelistine.


Ang OA.


Pero tinapos ko na lang din kasi this essay will serve as my quiz since kasi nga late ako, na-miss ko ang klase kaya hindi rin ako nakapag-quiz.


Hay, sa college ba ganito rin?


Pagpasok ko sa library ay humanap agad ako ng bakanteng lamesa at sa dulo ako nakakita. Nilapag ko ang bag ko sa mesa, saktong pag-upo ko ay ang paglipad ng mata ko sa mesang kaharap ng sa akin. At mula roon nakaupo ang taong huli kong maiisip na maaaring pumasok sa loob ng library.


Si Nathe.


Natigilan ako. Gulat na nakatingin ako sa kanya at siya naman ay nakakunot noong nakatingin sa'kin. Nakaupo siya sa mesang katapat ng mesang inupuan ko at pantay na pantay ang pwesto ng upuan namin.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon