Ch. 8: Courtship -In Ishii's way

413 18 2
                                    



Mishiela Salvador


Sa buhay, uso ang magmove on. Kaya isang araw matapos kainin ng unicorn na si Nathe ang cupcakes ko, nakapagmove on agad ako.


Wish ko lang na hindi tumalab sa kanya ang gayumang hindi naman para sa kanya.


...3

...2

...1


Lunch break!


Ang tanging oras na nasusulyapan ko si Rainbow. Ang recess time kasi nilalaan ko sa pagkain kaya hindi na ako nakakalabas ng room. Saka saglit lang ang recess kumpara sa lunch break.


Pagbell na pagkabell ay tumayo ako para pumuntang cafeteria. Mabilis akong bumili ng egg pie dahil ayoko ng heavy meal tuwing lunch. Umakyat ako sa room nina Rainbow pagkabili ko. Sa hagdan ay nakasalubong ko ang gang ni Nathe. Mabilis akong nag-face-the-wall. Mahirap na, baka sa hagdan pa ako na 'to matuluyan.


...o baka siya ang matuluyan ko. Endangered species pa naman ang unicorn. 


Nang makalampas sila ay saka lang ako nagpatuloy sa pag-akyat. Now clear na ang landing sa 3rd floor, nakababa na ang terorista eh.


Too many words for Nathe, Ishii.  Focus on Rainbow.


Right.


Sa hallway may napansin akong babaeng diretsong naglalakad papalapit sa'kin. Halos nasa tabi na ako ng railing at siya rin ay gano'n, mabilis ang lakad niya.


Agad kong sinave ang egg pie ko. Noong huling beses na may nakasalubong akong babaeng mabilis din ang lakad, nabunggo niya ako. At nawalan ang cupcake ko dahil sa kanya no'n, nakamove on na ako pero hindi ko makakalimutan iyon.


Nasaktan ako eh.


... para doon sa cupcake.


Nang nakalampas sa'kin ang babae ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Naligtas ko ang pagkain ko.


"Miss?"


Huh?


Lumingon ako.


'Yung babaeng kakadaan lang sa'kin, tinawag ako.


"Yes?"


Magaan niyang hinawakan ang braso ko saka ako marahang hinila papunta sa tabi. Nanlalamig pa ang kamay niya.


"Ako si Victoria, Ria for short. From IV-C."


He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon