Ch. 15: Fieldtrip -part I

239 13 2
                                    


Nathaniel Herrera


October 16.


Hello in a while, Subic, Zambales!

*insert photo of mine*


Ayan, IG updated.


3:49 am at nakasakay na kami sa bus. Lahat malamang ay excited, who wouldn't kung ang destination niyo eh sa Subic, Zambales. Beach. Magbibeach kami.


4:30 am dapat makaalis na ang bus since nasa more or less 4 hours ang byahe. Halos puno na ang lahat ng bus, iilan na lang din ang hinihintay. Nasa tabi ako ng bintana at mula sa baba ay tanaw ko ang ilang estudyante na sunod sunod na dumarating, mabilis naman nilang nahahanap ang assigned bus para sa section nila kaya hindi rin nagkakagulo sa baba.


Ibabalik ko na sana ang atensyon sa phone ko nang matanaw ko bigla si Ishii. Napataas ang kilay ko at mas inilapit ang mukha ko sa salamin ng bintana matignan lang siya ng maayos.


Paanong hindi ko siya titignan eh makaagaw pansin ang suot niya. Pink leather coat na PE shirt naman namin ang pangloob, green rubber shoes, bonnet na stripes black and yellow and syempre ang mga kung ano anong bracelets niya.


"Ta'mo 'tong babaeng 'to, akala mo may snow sa pupuntahan kung makapagdamit."


Umirap ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Saktong lumanding ang paningin ko sa aisle ay lumitaw sa paningin ko si Josh, siya ang katabi ko rito sa upuan. Kasunod niya sina Millie at Steven.


"Himala, ang aga mo." bungad niya agad habang inaayos ang mga gamit niya sa taas.


"Kasabay ko si Caile, prend. Alas-dos palang kinakatok na niya ako. Ang walang hiya, hindi nang-inform na magsasabay kami dito."


"Malas mo."


"Kaya nga eh. Maaga siya kailangan dito dahil nga council president, nadamay tuloy ako. Imagine that, noong dumating kami dito kasabay naming nagdadatingan ang mga busses. Jesus Christ! Lilipat na kami ng village, ayoko na ka-village si Caile."


"May sinasabi ka, Nathaniel?" biglang tanong ni Caile na hindi ko alam kung saan nanggaling.


Nagulat ako malamang. "Pambihira! Bakit bigla bigla kang sumusulpot?!"tinignan niya lang ako. Napasimangot ako, "Binabati ko lang sila ng good morning, Caile." at humarap ako sa tatlo. "Good morning, mga prend! Excited na ba kayo?"


Matapos no'n ay nanahimik na ako at ganoon din si Josh na busy sa phone niya. Para nga siyang tanga eh, layong-layo sa'kin, parang ayaw ipakita kung ano mang ginagawa niya. Eh, anong akala niya, may pake ako sa business niya? Assuming siya, oy.


Nagkaroon ng short silent prayer para sa aming safety bago lumarga ang bus. Dalawang section kaming nandito, sa kanang part kami at sa kaliwang part ang section IV-C. May unspoken rule na: Walang pakialamanan kaya naman nagsipagtulog kami habang nagsikantahan naman sila.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon