Mishiela Salvador
Ang higpit ng hawak ko sa phone ko habang papalapit ako sa kanya. I tried not to smile pero nang makita ko siyang nakasunod ng tingin sakin habang medyo nakanganga, hindi ko napigilang hindi ngumiti.
Ang pangit niya! But still, I like him.
Aminado na talaga ako. Hay, Nathe, what have you done to me?
"Hello." bati ko nang makalapit. Nakatayo ako sa harap niya at nakatingala naman siya sa'kin.
"W-What?"
"Can we talk?" tanong ko uli. Nagtext na ako sa kanya at nakita kong nabasa niya pero hindi ko naman alam ang sagot niya kaya tinatanong ko uli ngayon.
I saw him earlier, noong palabas siya dito, kaya sinilip ko siya, at nakita kong nakatunganga lang naman siya, that is when I decided to text him at makipag usap sa kanya personally.
Nagbaba siya ng tingin.
"Tungkol ba saan?"
"Bago 'yon, paupo muna." paalam ko saka naupo sa isang dulo ng bench na kinauupuan niya.
Umusog siya sa kabilang dulo at hindi ko alam kung para lang ba bigyan ako ng space o sadyang ayaw niyang makatabi ako. Hindi ko na lang pinansin.
"Ano bang pag-uusapan?" tanong niya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin, hindi ko rin alam kung ano bang sasabihin ko sa kanya, basta gusto ko lang siyang makausap.
Nilingon ko siya at ni hindi siya makatingin sa'kin, natawa ako. Humugot ako ng malalim na hininga saka nagsalita.
"Now that I'm sitting right next to you, ang comfortable ng feeling ko but at the same time, I'm nervous. Two feelings at the same time, paano 'yon?" pagpapaliguy-ligoy ko muna. Hinihintay kong lingunin niya ako pero hindi niya ginawa. "Tell me, are you feeling the same too?"
"No." diretso niyang sagot. "I am nervous and uncomfortable being with you. Pumunta ako ako dito because I want some peace... pero nandito ka naman."
"Hindi naman ako makikipag-away ngayon, may peace ka pa rin."
"Kahit na, nandito ka pa rin. Gusto ko ako lang dito."
I swallowed hardly saka nagbaba ng tingin.
"You already know that I like you, hindi ba?" hindi siya sumagot. "Right now, I wanted to end the war between us. Let's end this war, Nathe."
At last, naramdaman ko na ring nilingon niya ako, sinalubong ko iyon.
BINABASA MO ANG
He's Mine
Ficção AdolescenteComplete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow.